PINASIMPLENG MGA
BATAS SA ISLAM
PARA SA MGA
KABATAAN
AYON SA FATWA NI:
HADRAT AYATULLAH AL-UZMA
AS-SAYYID
AL-HAJJ ALI AL-HUSAINI
AS-SEESTANI
ISINALIN SA WIKANG INGLES NI:
SALEEM BHIMJI
ISINALIN SA WIKANG FILIPINO NI:
UM NARJIS
IWINASTO NI:
SHEIKH MONTAZER
AL-FILIPINI
Charity Registration No. 1075650
TEL.: + 44 (208) 452- 8270 FAX: + 44 (208) 830- 6858
BN BOX: 8445
Web: http://www.najaf.org E-mail: post@najaf.org
Isang kabuuan sa buhay ng Marja’ Taqlid sa Mundo ng Shi’a 1
Pambungad sa mga Prinsipyo ng Islam 4
Itjihad at Taqlid
5
Ang Kaibahan ng
Ihtiyat Mustahab at Ihtiyat Wajib 7
Taharat 8
Ang mga Batas
tungkol sa Bangkay
9
Ang mga
Batas tungkol sa Dugo 10
Paano
nagiging najis ang isang bagay?
10
Mutahirat
11
Ang mga Batas
tungkol sa Tubig 11
Ang mga
Pagkakahati ng Purong Tubig
12
Tubig
Qaleel
12
Kurr,
Dumadaloy na tubig at Tubig Balon
13
Paano
huhugasan ang isang najis na bagay sa tubig 14
Ang Lupa
15
Ang Araw 15
Islam
16
Pagtatanggal
ng ‘Ayn Najasat 17
Wudhu
17
Paano ginagawa
ang Wudhu?
18
Isang
pagpapaliwanag sa mga aksiyon ng Wudhu 18
Pagpapahid
19
Mga Kondisyon
ng Wudhu
20
Kabuuan sa
mga kondisyon ng Wudhu 21
Wudhu
Jabirah 23
Mga bagay na
kung saan ang Wudhu ay dapat isagawa 25
Paano
nawawalang bisa ang Wudhu? 26
Ghusl
27
Mga Paraan ng Paggawa ng Ghusl 27
Mga
kondisyong kailangan para sa tamang Ghusl 28
Mga Wajib na
Ghusl
29
Ghusl
Janabat
30
I
Mga aksiyong Haram para sa isang Junub 31
Ghusl
Mayyit
32
Ghusl Mass
Mayyit 32
Mga Ghusl kaugnay sa mga babae
33
Ghusl ng Haidh (buwanang dalaw) 33
Ghusl ng
Istihada
34
Ghusl ng Nifas 34
Tayammum
35
Mga Batas ng Tayammum
36
Mga bagay na
maaaring gawin ang Tayammum 37
Mga Batas ng
Tayammum
37
Salat (Pagdasal) 38
Mga pagkakahati ng Salat
39
Mga oras ng
pang-araw-araw na Salat 39
Ang
oras ng Adhan Fajr. 40
Zuhr 40
Maghrib
41
Hatinggabi 41
Mga Batas sa
mga oras ng Salat
41
Qiblah
42
Kasuutan sa
Salat
42
Ang Lugar ng
Salat
45
Mga Batas
tungkol sa lugar ng Salat
46
Mga Batas sa
Masjid
46
Ang Paghahanda para sa Salat 48
Adhan
at Iqamah
48
Adhan-
(pagtawag ng pagdasal)
Iqamah
49
Mga Gawain ng
Salat
51
Wajibat ng
Salat (kinakailangan ng pagdasal)
Rukn ng Salat (Haligi
ng pagdasal)
Ang kaibahan ng Rukn at Ghayr- Rukn 52
Mga Batas ukol
sa Wajibat ng Salat 53
Niyyat (Intensiyon)
53
Takbiratul
Ihram
53
Qiyam (Pagtindig) 53
Qira’at (Pagbasa) 54
Mga
Batas sa Pagbabasa 56
Ruku
57
II
Sujud
57
Ang responsibilidad ng sinumang di
makapagsagawa
ng
sajdah sa normal na paraan 59
Ang Wajib
Sajdah ng Qur’an 60
Tashahhud
61
Salam 61
Tartib
(sequential)
62
Muwalat (pagkakasunod-sunod) na walang lamang 62
Qunut
62
Ta’qib
Salat
62
Mubtilat ng Salat
63
Mga Batas ng
Mubtilat ng Salat 64
Pagsasalita
64
Pagtatawa
at Pag-iyak para sa makamundong bagay
65
Di
paghaharap sa Qiblah
65
Pagkakain
at pag-inom
65
Pag-iiba sa porma ng Salat 66
Pagsasalin ng
Adhan at Iqamah 67
Pagsasalin ng Adhan
67
Pagsasalin ng Iqamah 68
Pagsasalin ng
Salat 68
Takbiratul Ihram
68
Surah al-Fatiha 69
Surah al-Ikhlas
69
Dhikr sa Ruku
70
Dhikr sa Sujud 70
Tasbihat
al-Arbah 70
Tashahhud at Salam
71
Mga Pag-aalinlangan sa Salat 72
Pag-aalinlangan sa mga bahagi ng Salat 72
Pag-aalinlangan na nakakapagpawalang-bisa sa Salat 73
Mga
pag-aalinlangang tama 73
Salatul Ihtiyat 76
Sajdah Sahw 76
Salatul Musafir(Manlalakbay) 77
Saan ang pook-tirahan ng isang tao
(Watn) 79
Ang
intensiyon ng sampung araw 79
III
Salatul Qada’(Makalipas) 80
Ang
Qada’ Salat ng ama 82
Salatul Jama’at
82
Kahalagahan ng Salatul Jama’at 82
Mga kondisyon para sa Salatul Jama’at 84
Pagdudugtong o Pagsasali sa Salatul
Jama’at
84
Unang Rak’at
85
Ikalawang Rak’at
85
Ikatlong Rak’at
86
Ikaapat na Rak’at 86
Mga Batas ng Salatul Jama’at 87
Salatul Jumu’ah
88
Paano gawin ang Salatul Jumu’ah 88
Mga kondisyon ng Salatul Jumu’ah 89
Ang responsibilidad ng taong gumagawa ng Salatul Jumu’ah 90
Salatul Ayat
90
Paano dasalin ang Salatul Ayat 90
Unang Rak’at
91
Ikalawang Rak’at 91
Mga Batas ng salatul Ayat 91
Mustahab Salat
92
Salatul ‘Eid
92
Ang oras ng Salatul-‘Eid 92
Paano dasalin ang Salatul-‘Eid 93
Ang
Nafilah ng araw-araw na Salat 94
Salatul Layl (Hating-gabing Mga dasal) 94
Ang oras para sa Salatul Layl 95
Salatul Ghufailah 95
Paraan ng
pagdadasal ng Salatul Ghufailah 95
Pag-aayuno
97
Niyyat
ng Pag-aayuno 97
Mga
bagay na nakakapagpawalang-bisa sa ayuno 97
Mga
batas sa mga bagay na nakakapagwalang bisa sa pag-aayuno 97
Pagkakain at
Pag-iinom
98
Pagkakaroon
ng Injeksiyon
99
IV
Pagkakapasok ng makapal na alikabok o usok sa Lalamunan 99
Paglalagay
ng buong ulo ilalim sa tubig 99
Pagsusuka
99
Ang Qada’
at ang Kafarah ng Pag-pupuasa 100
Qada' ng pag-pupuasa 100
Kafarah ng puasa 100
Ang mga Batas ng Qada’ at Kafarah ng Pag-aayuno 101
Ang Ayuno
ng manlalakbay
102
Zakatul Fitrah
103
Ang halaga o dami ng Zakatul Fitrah 103
Mga bagay na
maaaring ibigay para sa 103
Zakatul
Fitrah 103
Khums
103
Mga Batas
ng Khums
105
Ang Paggamit
ng Khums
1
Zakat
106
Mga Batas ng Zakat
Ang Pagbibigay ng Zakat 108
Mga Batas sa Pagbibili at
Pagtitinda 109
Pagputol o di pagpapatuloy
ng Transaksiyon 110
Pagpapautang
111
Mga pagkakahati sa Pagbibigay ng Pautang 111
Mga
Batas sa Pagbibigay ng Pautang 112
Pangangalaga o Tiwala 113
Mga
Batas ukol sa Pagbabantay o Tiwala 113
Pagpapahiram at Panghihiram 114
Mga Bagay na Nakita 115
Pagkawala ng Sapatos 116
Pang-aagaw
117
Pagkain at Pag-inom
118
Mga Asal sa Pagkain 118
Mga
Asal sa Pag-inom ng Tubig 120
V
Mga Batas ng Pagkakatay 121
Mga kondisyon para sa Pagkakatay 121
Pangangaso Gamit ang Sandata 121
Pangingisda
122
Pagtingin sa Iba at Pag-aasawa
123
Pag-aasawa
125
Mga Batas ng Pagbati sa Isa’t-isa 125
Mga
Asal ng Pagbati sa Isa’t-isa 126
Mga Batas ng Qur’an
127
Paghawak
sa mga Pahina ng Qur’an 127
Panunumpa
128
Mensahe
130
Mga Kahulugan
131
Talababa
VI
ANG
KABUUAN SA BUHAY NG MARJA’ TAQLID NG MUNDO NG SHI’A:
AYATULLAH
1.
Ang kanyang kapanganakan at Edukasyon:
Si Ayatullah Seestani ay
ipinanganak noong 1349 A.H. (1928) sa buwan ng Rabi al-Awwal sa banal na
siyudad ng
Nakuha niya ang kanyang panimulang pag-aaral sa Arabic, kasama ang kahusayan sa pananalita (balagha) mula sa isa sa mga kilalang magtuturo ng Arabic sa Khurasan na nagngangalang Muhammad Taqi Adib Nishaburi. Nag-aral din siya ng Fiqh, Usul, Mantiq, at Aqaid sa ilalim ng mga bantog na mga Ulama at mga magtuturo ng Khurasan, at sa siyudad ding iyon , ay sumali siya sa Darse-Kharij (ang pinakamataas na antas ng pag-aaral sa Hawza). Sa panahong ito siya ay nakinabang din sa presensya ng Allamah Muhaqqiq Mirza Mahdi Isfahani (Nawa ay kaawaan ni Allah ang kanyang kaluluwa).
Upang mas lalong matuto at upang
makumpleto ang kanyang pag-aaral, naglakbay siya sa siyudad ng
Ang Hawza ‘Ilmiyyah ng
Si Ayatullah Seestani na nakadalo sa mga aralin ng Fiqh at Usul, na sa panahong iyon ay itinuturo ng Ayatullah Burujerdi, ay kaagad napabilang bilang isa sa kanyang pinakamatalinong mag-aaral sa larangan ng Fiqh, Usul at Rijal. Siya ay sumali rin sa mga klase ng Ayatullah al-Uzma Hujjat Kuhkumrai at iba pang mga magtuturo at mga dalubhasa upang masugpo ang kanyang pagkauhaw sa kaalaman.
Sa taon ng 1371 A.H. (1960), Si Ayatullah Seestani ay muli na namang naglakbay, sa panahong ito ay sa Najaf al-Ashraf. Sa panahong iyon, ang Hawza ng Najaf ay namumukadkad at puno ng karangalan at si Ayatullah Seestani, sa abot ng kanyang makakaya, ay sumali sa mga araling inaalok , at natutuhan niya ang mga Agham ng Islam mula sa pinakabantog na Ulama ng panahong iyon.
Sa loob ng mahigit sa sampung taon ay sumali siya sa mga aralin ng Ayatullah al-Uzma as-Sayyid Abul Qasim al-Musawi al-Khui (Nawa ay kasiyahan siya ni Allah). Sa panahong ito ay sumali rin siya sa mga pag-aaral na itinuturo ng Ayatullah al-Uzma Mohsin al-Hakim (Nawa ay kaawaan ni Allah ang kanyang kaluluwa). Nakumpleto rin niya ang isang buong kurso ng Usul at Fiqh sa ilalim ng gabay ng Ayatullah al-Uzma ash-Shaykh Husayn Hilli (Nawa ay kasiyahan siya ni Allah).
Pagkatapos ng mga maraming taon ng pag-aaral at pagsali sa mga aralin ng Usul, Fiqh, at Mantiq, at paggugol ng kanyang panahon sa malalim na pag-aaral at pagnuynoy sa banal na mga aklat ng Hawza, at pagkatapos ng mga taon ng pag-aaral sa mga hawza ng Mashad, Qum, at Najaf, sa taon ng 1381 A.H. (1970), siya ay nagsimulang magturo ng kanyang sariling mga aralin ng Darse-Kharij, na umiikot sa buong aklat, al-Makasib ni Shaykh Ansari ( Nawa ay kasiyahan siya ni Allah). Pagkatapos ng pagtuturo ng Darse-Kharij base sa balangkas na nasa al-Makasib ng maraming mga taon, napaabot niya ang kanyang mga aralin sa mas mataas na antas sa pagtuturo mula sa aklat al-Urwatul Wuthqa.
Hanggang sa kasalukuyan, si Ayatullah Seestani ay nagtuturo ng “ Kitab at-Taharat”, marami-raming bahagi ng mga alituntunin na makikita sa “Kitab as-Salat”, at mga bahagi ng “Kitab al-Khums”.
2. Ang
kahanga-hangang Kaalaman ng Magtuturo:
Kaagad, ang ilaw ng kaalaman ay nagsimulang lumabas mula sa pagkatao ni Ayatullah Seestani, na naging katibayan mula sa kanyang mga aralin sa Hawza.
Si Ayatullah Seestani ay isa sa kakaunting mga tao na kung saan sa pinakamurang gulang , ay nabigyan ng nakasulat na pagkikilala na naabot niya ang antas ng Ijtihad, sa pamamagitan ng kanyang magtuturo na si Ayatullah Khui. Sa parehong taon ng kanyang pagtanggap ng pagkikilala mula kay Ayatullah Khui, ang bantog na Alim ng Hadith at Rijal, si ‘Allama al-Hajj Aqa Buzurg Tehrani ay nagkumpirma rin ng kaparehong pagkikilala kay Ayatullah Seestani sa larangan ng Rijal at Hadith. Dapat na malaman na sa panahon ng kanyang pagtanggap ng dalawang mga kumpirmasyong ito, si Ayatullah Seestani ay wala pang 31 na taong gulang!
3. Mga
Nagawa ng Dalubhasang ito:
Si Ayatullah Seestani, sa nakalipas na 34 na taon, ay nagpapatuloy sa mahalagang gawain ng pagturo ng Darse- Kharij sa Fiqh at Usul, at Rijal, at ang mga bunga ng kanyang pakikibaka sa kaalaman, at ang mga nagawa ng Faqih na ito ay nakalathala sa mga aklat - ilan dito ay ang mga:
Ayatullah al-Uzma as-Sayyid ‘Ali al-Husayni as-Sistani
Ayatullah al-Uzma as-Sayyid Abul-Qasim al-Khui (RA)
Sa Ngalan ng
Allah, ang Mapagbigay, ang Mahabagin
Ang mga praktikal na batas sa Islam na kaugnay sa mga gawa (aksiyon) na dapat isagawa at mga dapat di gagawin ng isang tao , na responsibilidad ng lahat na matutunan ay tinatawag na “Ang Ahkam”(Batas).
Ang bawat gawa na ginagawa ng
isang tao ay may tiyak na batas sa Islam.
Ang mga iba’t-ibang mga gawa na ginagawa natin, na kaugnay sa ating mga
responsibilidad (kay Allah) ay nahahati sa limang kategorya: Wajib, Haram,
Mustahab, Makruh, at Mubah.
Wajib: Mga gawa na dapat gawin, at ang hindi
pagsasagawa nito ay may kaukulang kaparusahan mula kay Allah – halimbawa Salat
at Sawm.
Haram: Mga gawa na hindi dapat gawin at ang pagsasagawa sa mga ito ay may kaukulang kaparusahan mula kay Allah – halimbawa ay ang pagsisinungaling at pang-aapi.
Mustahab: Ito ay mga gawa na rekomendado na isagawa at ang sinuman na gagawa nito ay magkakaroon ng gantimpala mula kay Allah, at kung ito ay di gagawin ay walang kaparusahan mula kay Allah – halimbawa ang pagbati ng Salam at pagbibigay ng Sadaqa.
Makruh: Mga gawa na mas mabuting huwag gawin
at kung ito ay maiiwasan ay may kaukulang gantimpala mula kay Allah, pero kung
ito ay gagawin ay walang kaukulang kaparusahan.
Mubah: Mga gawa na kung saan ang pagsagawa o pag-iwas nito ay magkapareho; nangangahulugan na walang kaparusahan o gantimpala na matatanggap – halimbawa paglalakad o pag-upo.
IJTIHAD AT TAQLID
Ang isang tao ay maaaring magsagawa ng Ritwal sa Islam, sa paraang “Ijtihad o Taqlid”.
“Ijtihad” tumutukoy sa matinding pakikibaka sa paraan ng pagkuha sa batas ng Islam mula sa kanilang mga pinagmulan, na ang pinakamahalaga ay ang Qur’an at ang Ahadith sa Ma’sumin (mapasakanila nawa ang kapayapaan), pagkatapos mapag-aralan ang mga kailangang agham (sa Islam) na kung saan ang isang tao ay maaaring makakakuha ng Akham mula sa mga pinagmulan nito. Ang isang tao na may kaalaman nito ay tinatawag na “Mujtahid”.
“Taqlid” nangangahulugan ng pagsunod sa isang tao, at sa batas ng Islam ay ang pagsunod sa Mujtahid; na kung saan ang isang tao ay gagawa ng kanyang mga responsibilidad ayon sa “Fatwa” ng Mujtahid.
Isyu 1- Ang Mujtahid, siya ang tao na kung saan sinusunod ng iba ay tinatawag na “Marja’ Taqlid”, at ang tao na gumawa ng pagtaqlid (pagsunod) ay tinatawag na “Muqallid”
Isyu 2- Sinumang hindi Mujtahid at walang kakayahang humango sa mga batas at kasuguan ng Allah mula sa mga pinagmulan nito ay dapat na gumawa ng “Taqlid” sa “Mujtahid”, ibig sabihin ay dapat niyang isagawa ang kanyang responsibilidad batay sa “fatwa” (ng Mujtahid), o gumawa batay sa Ihtiyat.
Isyu 3- Ang pag-gawa batay sa Ihtiyat ay nangangahulugan na ang isang tao ay magsasagawa ng kanyang aksyon sa paraang siya ay may katiyakan na kanyang natupad ang kanyang responsibilidad (kay Allah): Halimbawa, kung ang isang grupo ng Mujtahidin ay nagsasabing ang isang partikular na aksyon ay “haram”, at para sa ibang grupo ay hindi ito maikonsedirang “haram”, ay di niya ito gagawin; at kung ang ibang Mujtahidin ay sinasabing ang isang aksiyon ay ‘Wajib”, at ang iba ay sinasabing ito ay “Mustahab”, isasagawa niya ang aksiyon ito.
Isyu 4- Sa alituntunin ng Islam, ang responsibilidad ng karamihan ay ang pagsagawa ng taqlid, dahil ang bilang ng tao na kayang gawin ang mga alituntunin ng Islam sa pamamagitan ng pag-abot sa Ijtihad o pagsasanay ng Ihtiyat ay kakaunti lamang.
Isyu 5- Ang isang Mujtahid na kung saan ang mga tao ay nagsasagawa ng taqlid, ay dapat na:
- Tapat (Adil)
- Lalaki
- Nabubuhay
- Baligh
- Shi’a Ithna-Ashara
- Sa mga alituntunin na kung saan may maliwanag na mga kakaibahan, dapat ay siyang pinakamarunong (A’lam)
Isyu 6 - Kung ang isang Mujtahid na siyang sinusunod ng mga tao ay namatay at siya ay mas may kaalaman pa kaysa mga Mujtahidin na nabubuhay, ang mga Muqallid ay dapat mananatili sa taqlid ng namatay na Mujtahid. Datapuwa’t kung isa sa mga Mujtahidin na nabubuhay ay mas may kaalaman pa kaysa Mujtahid na namatay, ang mga tao ay dapat na gumawa ng taqlid sa Mujtahid na buhay at kung saan siyang higit na may kaalaman.
Isyu 7 - Ang isang A’lam ay ang isang tao mula sa Mujtahidin na siyang pinakamagaling humango sa batas ng Islam mula sa mga pinagmulan nito.
Isyu 8 - May tatlong paraan sa pagkilala sa isang Mujtahid at ang pinakamarunong:
- Ang tao mismo na may katiyakan sa kanyang sarili; Halimbawa, siya ay angkop sa mga “Taong may Kaalaman” at siya mismo ay may kakayahang alamin kung sino ang Mujtahid at A’lam.
- Ang sinasabi ng dalawang marunong at tapat na tao, na may kakayahang alamin kung sino ang Mujtahid at A’lam, sa kondisyon na ang dalawang ito ay di magkasalungat sa kanilang sinasabi, at kung may di umaayon sa kanilang sinasabi, ang sinabi ng isang tao na kung saan ang kanyang imbestigasyon ay mas malalim ay siyang dapat tanggapin, at kahit na ang isang taong pinagkatiwalaan, ay nagsasabi na siya ay Mujtahid o A’lam.
- Ang grupo ng mga “Taong may Kaalaman”, kung saan sila ay may kakayahang magsabi kung sino ang Mujtahid o A’lam, kung natitiyak nila kung sino ang Mujtahid o A’lam, at kung saan may makikitang katotohanan sa kanilang sinasabi.
Isyu 9 - Ang mga paraan upang makamit ang mga Fatwa ng Mujtahid ay:
- Narinig ito mismo ng sarili mula sa Mujtahid.
- Narinig ito mula sa dalawang tapat na tao.
- Narinig ito kahit na sa isang tao na kung saan may katiyakan sa kanyang mga salita.
- Nabasa nito ang Risalah ng Mujtahid, habang may katiyakan na ito ay pagkatiwalaan.
Isyu 10 - Kung hindi alam ng isang tao kung ang fatwa ng isang Mujtahid ay napalitan o wala, at kahit siya ay may pagdududa na ang kanyang Fatwa ay napalitan, maaari siyang umaksyon ayon sa nakasulat sa Resallah, at di na kailangang na siya magsagawa pa ng anumang imbestigasyon.
Isyu 11 - Wajib (itinatagubilin) ang isang tao ay matuto ng mga batas na kung saan lagi niya itong kinakailangan.
Ang Kaibahan ng Ihtiyat
Mustahab at Ihtiyat Wajib
Isyu 12 - Ang Ihtiyat Mustahab ay laging may kasamang Fatwa, ibig sabihin, sa gayong alituntunin, kasama ng Mujtahid na nagsasabi ng kanyang opinyon, nagbibigay din siya ng babala, at sa alituntuning ito, ang Muqallid ay maaaring umaksyon alinman ayon sa fatwa o Ihtiyat, at di pinahintulutang sumangguni sa ibang Mujtahid. Halimbawa nito ay:
*
Paghuhugas ng najis na plato/plnggan
sa Tubig Kurr nang isang beses, ang platong ito ay magiging Tahir, subalit sa
ihtiyat ay huhugasan ito ng tatlong beses.
Ang Ihtiyat Wajib ay walang kasamang fatwa, at ang Muqallid ay dapat umaksyon ayon sa Ihtiyat, pero maaari rin niyang isangguni ang alituntuning ito sa ibang Mujtahid (magsagawa ng Ruju) na kung saan pinahihintulutang din na gumawa ng taqlid – halimbawa:
* Ang Ihtiyat kung saan ang isang
tao ay di nagsasagawa ng sajdah sa dahon ng ubas na kahoy (grepe tree).
TAHARAT
Taharat (pagiging malinis) at palaging malinis na katawan at kapaligiran ay napakahalaga sa Islam. Sinuman ay dapat na umiwas sa pagkain at pag-inom ng mga bagay na najis; at ang mga kasuotan na ginagamit para sa Salat, na siyang pinakamabuting aksyon sa pagsamba kay Allah, ay dapat na malinis at mahalaga na ito ay puro na kasuotan. Dahil dito, mahalagang malaman kung anu-anong mga bagay ang najis at kung paano ito gawing Tahir.
Isyu 13 - Ang lahat nabagay ay Tahir maliban sa labing-isang (11) mga bagay, at mga bagay na nahalo o nadugtong dito sa kanila ay magiging najis din.
Isyu 14 - Ang mga bagay na najis ay ang mga sumusunod:
1. Ihi
2. Dumi ng Tao (ta-i )
3. Semen (likidong lumalabas mula sa isang tao sanhi ng pakikipagtalik o sanhi ng pagnanasang sekswal)
4. Bangkay
5. Dugo
6. Aso (hayop)
7. Baboy
8. Alak
9. Beer (ayon sa Ihtiyat Wajib)
10. Kafir
11. Pawis ng hayop na kumakain ng najis
Isyu 15 - Ang ihi at ta-i ng tao at lahat ng hayop na kung saan ang karne ay haram at kung saan ang dugo ay umaagos na bigla ay najis.
Isyu 16 - Ang mga hayop ay may dalawang kategorya: ilan ay may dugo na umaagos na may kasamang lakas o bigla kapag ang leeg ay pinuputol, at ang ilang hayop din ay may dugo na hindi umaagos nang bigla kapag pinutol ang leeg, ibig sabihin na kung pinuputol ang leeg, ang dugo ay hindi umaagos na may kasamang lakas.
Isyu 17 - Ang ihi at dumi ng mga hayop na halal ang laman o karne, kagaya
ng baka at tupa (karnero), at mga hayop na di umaagos bigla ang dugo, kagaya ng ahas at isda, ay tahir.
Isyu 18 - Ang ihi at dumi ng mga hayop na kung saan ang mga karne o laman nito ay makruh na kainin, kagaya ng kabayo at asno, ay tahir.
Isyu 19 - Ang ihi at dumi ng mga ibon na kung saan haram ang karne kagaya ng agila, ay tahir.
Isyu 20 - Ang mga dumi ng maliliit na mga hayop, kagaya ng lamok at langaw na kung saan ito ay walang mga laman, ay tahir.
Isyu 21 - Ayon sa Ihtiyat Wajib, dapat ay iwasan ang ihi ng mga hayop na kung saan ang mga karne ng mga ito ay haram at ang dugo ay di umaagos.
Mga Alituntunin Tungkol sa Bangkay
Isyu 22 -
Anumang hayop na natural na namatay o kinatay sa paraang hindi alinsunod
sa mga alituntunin ng Islam ay tinatawag na bangkay.(1)
Isyu 23 - Ang bangkay ng isang hayop na kung saan ang dugo ay di lumalabas ng bigla; kagaya ng isda, ay tahir.
Isyu 24 - Para sa bangkay ng isang hayop na kung saan ang dugo ay lumalabas ng bigla; ang mga bahaging walang buhay kagaya ng buhok, mga sungay, ay tahir; at ang mga bahaging may buhay kagaya ng laman at balat, ay najis.
Isyu 25 - Lahat ng bahagi ng katawan ng aso at baboy – nabubuhay man o patay – ay najis.
Isyu 26 - Ang buong katawan ng isang tao na namatay, kahit na kamamatay lang nito, at di pa lumamig (maliban sa bahagi na walang buhay kagaya ng kuko, buhok, ngipin, etc…) ay najis.
Isyu 27 – Pagkatapos mabigyan ng ghusl ang patay na katawan, ang buong katawang patay ng tao ay tahir.
Isyu 28 - Hindi na kailangan na isagawa ang ghusl o ibalot ang katawang patay sa kafan ng taong namatay sa daan ng Allah para sa pagtatanggol sa Islam at namatay sa gitna ng digmaan.
Mga Alituntunin Tungkol sa Dugo
Isyu 29 - Ang dugo ng tao at lahat ng mga hayop na kung saan lumalabas nang bigla ang dugo nito, kagaya ng manok at kambing, ay najis.
Isyu 30 - Ang dugo ng mga hayop na di lumalabas nang bigla, kagaya ng isda at lamok, ay tahir.
Isyu 31 - Ihtiyat Mustahab na iwasan ang mga itlog na may kahit kaunting dugo nito.
Isyu 32 - Hindi na kailangan na iwasan ang mga laway na nahalo sa dugo mula sa paligid ng mga gilagid ng ngipin sa oras na nahalo ito sa laway ng bunganga.
Paano nagiging najis ang isang bagay
Isyu 33 - Kapag ang isang bagay na tahir ay nahaluan ng najis, at isa sa dalawang bagay na ito ay mas basa kaysa sa isa at ang pagkabasa ng isa ay umabot sa iba, ang tahir na bagay ay nagiging najis.
Isyu 34 - Kapag hindi alam ng isang tao kung ang isang bagay na tahir ay naging najis o hindi, ito ay tahir, at ang pag-usisa at pag-iimbestiga ay hindi na kailangan, kahit na may nakapagpatunay na ang tahir na bagay ay naging najis.
Isyu 35 - Ang pagkain at pag-inom ng mga bagay na najis ay haram, at haram din itong ipakain sa ibang tao.
MUTAHIRAT
Isyu 36 - Mutahirat ay mga bagay na nagagawa nitong tahir ang mga najis na mga bagay. Ilan sa mga Mutahirat (maglilinis) ay ang mga sumusunod (marami pang iba na hindi naisama sa aklat na ito):
1. Tubig
2. Lupa
3. Araw
4. Islam
5. Pagtatanggal ng najasat (sa pamamagitan ng mga kondisyong ipapaliwang).
Mga Alituntunin ng Tubig
Ang tubig ay may iba’t-ibang pagkakahati, at ang pagkakaalam sa mga ito ay nakakatulong sa atin sa pagkakaintindi sa mga alituntunin kaugnay nito.
Isyu 37 - Ang Tubig ay maaaring puro o may halo.
Tubig na may halo – Ang tubig na ito ay nagmula sa ibang bagay
katulad ng katas ng mansanas, tubig ng pakwan o tubig na naihalo sa iba sa
paraang ito ay di maaaring tawaging tubig kagaya ng katas o juice.
Purong Tubig - tubig na walang halong kahit ano.
Isyu 38 - Tubig na may halo:
* Sa tubig na may halo, ang isang bagay na marumi ay posible nitong
gawing malinis, pero hindi kailanman na ang isang najis na bagay
ay magagawa nitong tahir.(at dahil ditto, ito ay di mabibilang na
mutahirat)
* Kung ang tubig na may halo ay nahaluan ng najasat, ito ay magiging
najis, gaano man kaliit ang najasat ang nakahalo, at kahit na ang amoy, kulay o
lasa ng tubig ay hindi nagbago.
* Ang Wudhu at Ghusl na isagawa sa tubig na ito
ay walang bisa.
Mga Pagkakahati-hati ng Purong Tubig
Isyu 39 - Ang tubig ay maaaring galing sa ilalim ng lupa, ulan, o maaaring hindi galing sa lupa o sa ulan.
* Ang tubig na galing sa kalangitan ay tinatawag
na tubig-ulan.
* Ang tubig na nagmula sa ilalim ng lupa, kung ito ay umaagos
katulad ng tubig sa balon o ilog ay tinatawag na tubig na
umaagos; at kung ito ay di umaagos ito ay tinatawag na tubig na
di gumagalaw.
Ang tubig na di umaagos mula sa ilalim ng lupa, at di rin mula sa kalangitan, at kung ito ay kasingdami ng isasalaysay sa susunod na mga alituntunin, ay tinatawag na Kurr (malaking dami ng tubig) – at kung ito ay mas maliit pa kaysa kailangang dami, ito ay tinatawag na Qaleel ( maliit na dami ng tubig).
Isyu 40 - Ang dami ng tubig, na kung ilalagay sa isang lalagyan na kung saan ang haba, lapad, at taas ay tatlo at kalahating dangkal ay pinuno ng tubig, ito ay magiging Kurr. At kung ang koleksyon ng tubig na ito ay 36 na dangkal, ito ay sapat din.
Tubig Qaleel
Isyu 41 - Tubig Qaleel (mas maliit ang dami kaysa tubig kurr) – kapag ito ay kaagad nahalo sa najasat, ito ay magiging najis, maliban kung ito ay biglang ibinuhos sa najis na bagay, at sa pangyayaring ito yong tubig na nakahalo sa najis ay iyon lamang magiging najis. Halimbawa, kung ang isang lalagyan ay may lamang tubig, at ang tubig na ito ay ibinuhos sa isang bagay na najis mula sa itaas pababa, ang tubig lamang na naihalo sa najasat na bagay ang magiging najis, at ang tubig sa itaas na natitira sa lalagyan ay magiging tahir.
Isyu 42 - Kapag ang Kurr o tubig na umaagos ay nakadugtong ang tubig Qaleel na najis at nahalo, ito ay magiging tahir (halimbawa, kung ang isang maliit na lalagyan na puno ng tubig ay najis, at ang tubig galing sa gripo na nakadugtong sa kurr ay ipinaagos sa lalagyang ito at ang tubig nito ay nakahalo ay nagiging tahir), pero kung ang amoy, kulay, o lasa ay nagbago dahil sa najasat, ang tubig na nakakuha ng amoy, kulay o lasa mula sa najasat ay dapat na alisin.
Kurr, Dumadaloy na Tubig at Tubig Balon
Isyu 43 - Lahat ng pagkakahati-hati ng tubig puro ay tahir, sa pangyayaring ang amoy, kulay o lasa nito ay hindi nag-iba dahil sa najasat, (maliban sa tubig Qaleel). Kung (ang tubig Qaleel) dahil sa pagkakahalo nito sa najasat, ang amoy, kulay o lasa nito ay nag-iba, ang tubig na iyon ay magiging najis. (Dumadaloy na Tubig, Tubig Balon, at Tubig Kurr at maging Tubig Ulan ang lahat ay kabahagi sa alituntuning ito.)
Isyu 44 - Ang tubig na nagmula sa mga tubo ng paliguan sa mga gusali na nakadugtong sa tubig kurr, ito ay nahuhulog sa kategorya ng Tubig Kurr.
Isyu 45 - Ilan sa mga espesyalidad ng Tubig Ulan:
* Kung ang tubig ulan ay bumuhos sa najis na bagay ng isang beses na kung saan
ang bagay na iyon ay walang halong ‘Ayn Najasat2, ito ay magiging tahir, maliban
kung ang katawan o damit ay naging najis dahil sa ihi, na kung saan, ayon sa
Ihtiyat Wajib, ito ay dapat hugasan ng dalawang beses sa tubig ulan.
* Kung nabasa ng ulan ang najis na alpombra o damit, hindi na ito kailangang pigain,
ito ay simpleng maikonsedirang tahir.
* Kung nabasa ng ulan ang lupa, ang lupa ay magiging tahir.
* Sa anumang pagkakataon na ang tubig ulan ay naipon sa isang lugar, kahit na ito ay
maliit kaysa kurr, ito ay mabibilang sa alituntunin ng tubig kurr, at dahil doon kung
ang isang bagay na najis ay nahugasan nito habang umuulan, at ang amoy, kulay o
lasa nito ay hindi nag-iba, ang bagay na iyon ay magiging tahir.
Paano Huhugasan ang Isang marumi o najis sa tubig
Isyu 46 - Upang ang isang bagay na najis ay magiging tahir, ang najasat ay dapat munang alisin, pagkatapos ito ay dapat na huhugasan sa tubig sa paraang isasalaysay sa mga sumusunod na mga alituntunin.
Isyu 47 - Ang najis na kagamitang pangkusina o mga pinggan – kapag naalis na ang najasat dito, ito ay dapat na hugasan tatlong beses sa tubig Qaleel; at ayon sa Ihtiyat Wajib, kailangan na mahugasan ng tatlong beses na Dumadaloy na Tubig o Tubig Kurr.
Isyu 48 - Ang najis na mga kagamitang pangkusina ay maaari ring hugasan sa mga sumusunod na mga paraan.
- Tubig Kurr: Ang paglubog nito at pag-alis nito sa tubig kurr ng tatlong beses.
- Tubig Qaleel: Lagyan at alisin ang tubig sa pinggan o mga baso ng tatlong beses; o lagyan ng tamang dami ng tubig ang isang pinggan o baso ng tatlong beses at pagkatapos ng isa-isang paglalagay nito ng tubig ay kalugin ito sa paraang ang tubig ay umabot sa lahat ng bahagi na najis, at alisin ang tubig (pagkatapos ng bawat paglalagay at pagkalog nito).
Isyu 49 - Ang mga alpombra, mga kasuotan, at mga bagay na nababasa ng tubig na kung saan ito ay maaaring pigain o pilipitin ay maaaring gawing tahir gamit ang tubig Qaleel (sa pagsunod sa paraan) na pagkatapos ng bawat paghuhugas, ang isang bagay ay dapat na pigain upang ang tubig na nasipsip dito ay natatanggal. Ito ay maaari ring gawin sa ibang paraan (na ang tubig na nasipsipon ay maaaring alisin), pero kung ang tubig kurr o dumadaloy na tubig ang ginagamit, hindi na ito kailangang pigain.
Ang Lupa
Isyu 50 - Kapag naging najis ang ibaba ng paa o sapatos habang naglalakad, sa pamamagitan ng paglalakad nito o pagkuskus sa lupa, ito ay nagiging tahir, sa kondisyong ang najasat ay naalis at ang lupa ay dapat na:
- Tahir
- Tuyo, ayon sa Ihtiyat Wajib.
-
Kung ang ‘Ayn Najasat kagaya ng dugo, ihi
o ang Muta-najis na bagay katulad ng putik ay nakita sa ibaba ng sapatos, sa
paraang paglalakad o pagkuskus nito sa lupa ito ay natatanggal. Kapag ang ‘Ayn najasat ay natanggal bago pa
man ito ikuskus sa lupa, ayon sa Ihtiyat Wajib, ito ay hindi magiging
tahir. Ang lupa ay maaaring may dumi,
buhangin o mga bato, tisa at mga bagay na
- Ayon sa Ihtiyat Wajib, ang ibaba ng sapatos o paa ay maaaring naging najis dahilan sa pagyapak nito sa lupa.
Isyu 51 - Kapag sa pamamagitan ng paglalakad o pagkuskus sa lupa ang najasat mula sa sapatos ay natanggal, ito ay magiging tahir. Pero mas mabuti na ang pinakamababa na 15 na hakbang ang nailakad.
Ang Araw
Isyu 52 - Ang lupa, mga gusali, at mga pader ay nagagawang tahir ng araw (kasama ng mga nasabing kondisyon).
Isyu 53 - Ang araw ay tagapuro o tagalinis kasama ng mga sumusunod na mga kondisyon:
- Ang bagay na najis ay basa, na kung ito ay itatabi sa ibang mga bagay, ang mga bagay na ito ay nababasa rin.
-
Sa sinag ng araw, ang mga bagay na
najis ay natutuyo; at kung may natitira pang basa, ito ay hindi tahir.
- Ang mga bagay katulad ng ulap o kurtina ay di dapat hadlang sa araw sa pagsikat(sa bagay na najis), maliban kung ito ay manipis na di nito nahahadlangan ang pagsinag ng araw (sa najis na bagay).
- Ang araw mismo ang nagpatuyo sa bagay; halimbawa, ito ay hindi natuyo sa tulong ng hangin.
- Habang ang araw ay sumisikat, dapat ay walang ‘Ayn najasat sa isang bagay, kaya kung ang najasat ay nanatili dapat itong alisin bago pa man ito masinagan ng araw.
- Ang bahagi sa loob o labas ng pader, dingding o sahig ay dapat natutuyo lahat ng
sabay, kaya kapag ang labas na bahagi nito ay natuyo sa isang araw at ang loob na
bahagi ay natuyo sa sumunod na araw, ang labas lamang na bahagi ang magiging tahir.
Isyu 54 - Kapag ang lupa o mga bagay na katulad nito ay naging najis, pero walang basa na natitira, ito ay maaaring buhusan ng tubig o anumang makakapagpabasa nito, at kapag nasikatan ng araw ito at natuyo niya, ito ay magiging tahir.
Islam
Isyu 55 - Sinumang hindi Muslim ay najis, pero kapag kanyang bibigkasin ang Shahadatain, siya ay magiging Muslim. Halimbawa, sasabihin niyang:
ĂÔĺĎ Ăä áÇ
Çáĺ ÇáÇ Çááĺ , ć ĂÔĺĎ Ăä ăÍăĎÇ
ŃÓćá Çááĺ ))
Ashhadu an la Illaha Illah-lah
Wa Ashhadu anna Muhammadan Rasulul-lah
(Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos maliban kay Allah, at ako
ay sumasaksi na si Muhammad ang Kanyang Sugo)
Sa pagsasabi nito, ang kanyang buong katawan ay magiging tahir.
Isyu 56 - Hindi na kailangang sasabihin ang Shahadatain sa Arabic, maaari itong bigkasin sa kahit na anong lengguwahe o salita.
Pagtatanggal ng ‘Ayn Najasat
Isyu 57 - May dalawang pagkakataon kung saan ang pagtatanggal ng ‘Ayn najasat ay nagagawa nitong tahir ang isang bagay, at hindi na ito kailangan na hugasan pa ng tubig:
1. Ang katawan ng isang hayop: Halimbawa, ang tuka ng manok
na kumakain ng najasat, kapag ang najasat ay natanggal mula sa tuka, ang tuka ng manok ay magiging tahir.
2. Ang loob ng katawan: Halimbawa, kung ang loob ng bibig, ilong, at tainga ay napasukan ng najasat na mula sa labas, ito ay nagiging najis, at ang pagtanggal ng najasat ditto, ito ay nagiging tahir; pero ang najasat na nagmula mismo sa loob kagaya ng dugo na lumabas mula sa gilagid ng ngipin, di nito nagawang najis ang loob ng katawan, at katulad din kapag ang isang bagay sa labas ay nadumihan ng najis mula sa loob ng katawan, ang bagay na ito ay hindi magiging najis. Kaya kapag ang artipisyal na ngipin sa loob ng bibig ay nadumihan ng dugo mula sa gilagid ng ngipin, hindi na kailangang hugasan ng tubig ang bibig, pero kapag ang ngipin ay nadumihan ng pagkain na najis, dapat ay hugasan ng tubig ang bibig bago kumain.
WUDHU
Bago pa man mag-umpisa ang Salat, dapat munang gumawa ng Wudhu, at ihanda ang sarili para sa pinakamahalagang aksiyon ng pagdarasal. Sa ibang pagkakataon kailangan din ang Ghusl – nangangahulugan na kung saan ang buong katawan ay huhugasan; at sa anumang pagkakataon na di makakagawa ng wudhu o ghusl, dapat ay gawin ang Tayammum. Isa-isa itong ipapaliwanag kasama ang kani-kanilang mga alituntunin sa mga sumusunod na mga pahina.
Paano ginagawa ang Wudhu
Isyu 58 - Sa pagsasagawa ng Wudhu, dapat mag-uumpisa sa paghuhugas ng mukha, pagkatapos ng braso sa kanan, kasunod ang kaliwang braso. Pagkatapos nito, ang basa na natira sa kanang kamay sapaghuhugas nito ang dapat na ipahid sa ulo, na nangangahulugan ang mga daliri sa kanang kamay ay ipapahid sa itaas ng ulo, pagkatapos din ay papahiran ng kanang kamay ang kanang paa, kasunod ng kaliwang paa na papahiran ng kaliwang kamay (ng basa na natitira sa paghuhugas).
Mga Pagpapaliwanag sa mga Aksiyon ng Wudhu
Isyu 59 - Sa pagsasagawa ng wudhu, ang isang tao ay dapat na mag-umpisa sa paghuhugas ng kanyang mukha mula sa itaas ng noo, na kung saan ito ay lugar na tinutubuan ng buhok, hanggang sa ibaba ng mukha (nangahulogan ng suwang), at upang makasisiguro na nahugasang mabuti ang mga wajib na huhugasan, kailangan talaga niyang hugasan na may kaunting sobra ang buong paligid ng kanyang mukha.
Isyu 60 - Ayon sa Ihtiyat Wajib, ang mukha ay kailangan talaga na huhugasan mula itaas hanggang ibaba.
Isyu 61 - Pagkatapos mahugasan ang mukha ay dapat ding hugasan ang kanang braso, kasunod ang kaliwa mula sa siko hanggang sa pinakadulo ng mga daliri – mula itaas hanggang ibaba.
Isyu 62 - Upang makasiguro na kumpletong nahugasan ang mga braso, dapat ang paghuhugas nito ay mula sa itaas kaunti ng siko.
Isyu 63 - Kapag ang isang tao ay naghugas ng kanyang kamay hanggang sa kasu-kasuan bago pa man niya nahugasan ang kanyang mukha, kung mag-uumpisa na siyang gumawa ng wudhu, dapat siyang maghugas mula sa siko hanggang sa dulo ng mga daliri, at kung siya ay naghugas hanggang sa kasu-kasuan lamang, ang wudhu ay walang bisa.
Pagpapahid
Isyu 64 - Ang bahagi na papahiran ay isang apat na bahagi sa harapang bahagi ng ulo sa itaas ng noo.
Isyu 65 - Ang pagpapahid ng ulo ay dapat gawin sa paraang kung may nakakakita sa isang tao na gumagawa nito, masasabing siya ay gumagawa ng pagpapahid.
Isyu 66 - Mustahab na ang papahiran ay kasinglapad ng tatlong saradong mga daliri, at ang taas ay isang daliri.
Isyu 67 - Hindi na kailangang pahiran ang anit ng ulo, mangyari, tama din kung ito ay gagawin sa buhok, maliban kung ang buhok sa ulo ay mahaba na kung susuklayin ay aabot sa mukha, o sa ibang mga bahagi ng ulo – sa pangyayaring ito, ang anit sa ulo o ang ugat ng buhok ay dapat na pahiran.
Isyu 68 - Pagkatapos pahiran ang ulo sa basa na nasa kamay mula sa paggawa ng wudhu, dapat ding pahiran ang mga daliri ng paa hanggang sa kasu-kasuan.
Isyu 69 - Habang gumagawa ng pagpapahid sa ulo o paa, ang kamay mismo ay dapat na galawin, at kung ang kamay ay nananatili at ang ulo o paa ay naigalaw, ang wudhu ay walang bisa, pero kapag ang ulo o paa ay naigalaw lamang ng konti habang ang kamay ay inaalis mula sa pagpapahid, hindi ito problema.
Isyu 70 - Ang pagkabasa ng kamay ay dapat na sapat upang ito ay may natirang epekto sa ulo o paa.
Isyu 71 - Ang bahagi na papahiran (ulo o paa) ay dapat na tuyo, kaya kung ang bahagi na papahiran ay basa, ito ay dapat munang patuyuin (bago papahiran); pero kung ang pagkabasa nito ay kaunti lang na di ito nakakaapekto sa basa na nasa kamay ay hindi ito problema.
Isyu 72 - Dapat ay walang
hadlang sa gitna ng kamay at ng ulo o paa, kagaya ng pambalot, sapin o sombrero
o medyas at sapatos, kahit na gaano pa ito kanipis at kahit naaabot pa ng basa
ang bahaging papahiran (ang balat).
Isyu 73 - Ang bahaging papahiran ay dapat tahir, kaya kung ito ay may najasat, at ito ay hindi naaalis ng tubig, dapat gumawa ng tayammum.
Ang Mga kondisyon ng Wudhu
Isyu 74 - Kung ang paggawa ng wudhu ay naaayon sa mga sumusunod, ito ay tama, at kung hindi, ang wudhu ay walang bisa.
1. Ang tubig para sa wudhu ay dapat na tahir (hindi najis), at ayon sa Ihtiyat Wajib,
dapat ay walang dumi kagaya ng ihi o dumi ng halal na hayop nito.
2. Ang tubig para sa wudhu ay dapat na Mubah ( Pinahintulutang gamitin ) – ibig sabihin na ito ay di ninakaw na bagay.
3. Ang tubig para sa Wudhu ay dapat na Mutlaq (puro) – hindi tubig na may halo.
4. Ang pinaglagyan ng tubig ay dapat na Mubah.
5. Ang pinaglagyan ng tubig ay hindi dapat gawa sa ginto o pilak, ayon sa Ihtiyat
Wajib.
6. Ang bahagi ng katawan na papahiran o huhugasan sa panahon ng wudhu ay dapat
na tahir.
7. Dapat walang anuman sa katawan na humahadlang sa tubig sa pag-abot sa
katawan.
8. Ang wudhu ay dapat na gawin sa niyyat na “mapalapit kay Allah”, at hindi
pagpapakitang tao.
9.
Pagkakasunod-sunod (Tarteeb) sa mga aksyon ay dapat bantayan (
naipaliwanag na).
10. Walang hindi karaniwang puwang sa panahon (Muwalat) sa mga aksiyon (dapat
walang mahabang panahong puwang sa aksiyon ng wudhu).
11. Hindi dapat magpapatulong sa ibang tao.
12. Dapat walang hadlang sa paggamit ng tubig.
13. Dapat ay may sapat na panahon pa para sa paggawa ng wudhu at Salat.
Mga Kabuuan sa mga Aksiyon ng Wudhu
Isyu 75 - Ang wudhu na ginawa sa tubig na may halo ay walang bisa – kahit na ito ay alam ninyo o hindi alam na najis o tubig halo, o ito ba ay nakalimutan.
Isyu 76 - Ang tubig para sa wudhu ay dapat na Mubah; kaya sa mga sumusunod na mga pangyayari, ang wudhu ay walang bisa:
- Ang paggawa ng wudhu gamit ang tubig na kung saan ang may-ari nito ay hindi masaya na gamitin ang kanyang tubig.(Ang kanyang pagkadisgusto ay halata)
- Ang tubig na kung saan hindi alam ang may’ari ba ay gusto o hindi sa paggamit nito.
- Ang tubig na ipinagkaloob (Waqf) sa partikular na tao, kung ito ay ginamit ng taong di siya ang pinagbigyan nito; halimbawa, ang mga gripo ng karamihan sa mga Madrasah (paaralan) na kung saan ito ay ipinagkaloob bilang donasyon sa partikuar na Madrasah, at mga silid wudhu sa karamihan sa mga masjid na binigay partikular sa mga taong gumagawa ng salat sa masjid na iyon.
Isyu 77 - Kapag hindi alam ang eksaktong uri ng Waqf, at ang tubig ay kadalasang ginagamit para sa wudhu, at walang humahadlang kung ito ay gagamitin, ito ay maaaring gamitin para sa Wudhu.
Isyu 78 - Ang paggawa ng Wudhu sa malaking bahagi ng tubig (ilog, lawa at iba pa…) kahit na hindi alam kung ang may-ari nito ay umaayon o hindi, ito ay hindi problema.
Isyu 79 - Ang bahaging huhugasan o papahiran sa wudhu, kagaya ng mukha, mga braso, at mga paa ay dapat tahir.
Isyu 80 - Kung may humahadlang na bagay sa mukha o mga braso na di naaabot ng tubig o hinahadlangan ang pag-abot dito, ito ay dapat munang tanggalin bago gawin ang wudhu.
Isyu 81 - Ang tinta ng panulat, mantsa ng pintura, at mantika/grasa, at krema, sa pangyayaring ang epekto nito ay naiiwan sa balat at di ito hadlang sa paggawa ng wudhu, hindi ito problema. Pero kung ito ay bumabalot sa balat na humahadlang sa pag-abot ng tubig, dapat itong tanggalin.
Isyu 82 - Kapag may bagay na dumikit sa isa sa mga bahagi ng wudhu ngunit hindi ito nalalaman kung hinahadlangan nito ang tubig sa pag-abot sa bahaging ito o hindi, dapat itong tanggalin o ang tubig ay dapat padaluyin dito.
Isyu 83 - Ang aksyon ng wudhu ay dapat na gawin sa mga sumusunod na pagkakasunod-sunod (Tarteeb): Sa mukha, pagkatapos ang kanang braso, dapat hugasan kasunod ang kaliwang braso, na dapat hugasan at pagkatapos ay dapat pahiran ang ulo at mga paa.
Isyu 84 - Muwalat - Ibig sabihin, tuloy-tuloy, na walang puwang sa gitna ng mga aksiyon.
Isyu 85 - Kung sa gitna ng mga aksiyon ng wudhu ay may panahong lumipas na kapag huhugasan o papahiran ang dapat na pahiran ay napunang natuyo na ang kamay, ang wudhu ay mawalang bisa; kagaya rin ng kung sa gitna ng mga aksiyon ng wudhu may puwang na sa tingin ng tao ay masasabing ang wudhu ay hindi ginagawa.
Isyu 86 - Sinumang may sapat na kakayahang gumawa ng wudhu ay di pinahihintulutang humingi ng tulong sa iba sa paggawa nito. Kaya, kung sa isang tao na dapat magsagawa ng wudhu ay may tumutulong sa paggawa nito, kagaya ng paghuhugas ng mukha at mga braso at pagpapahid, o may tumutulong na paabutin ang tubig sa bahaging dapat huhugasan sa wudhu, ang kanyang wudhu ay walang bisa.
Isyu 87 - Sinuman na walang sapat na kakayahang gumawa ng wudhu ay dapat na magpatulong sa iba, at kung hindi posible sa isang taong nangangailangang gumawa ng wudhu na matulungan ang kanyang sarili, dapat siyang magpatulong sa iba sa pagwudhu. at ayon sa Ihtiyat Wajib silang dalawa ay dapat na gumawa ng niyyat ng paggawa ng wudhu.
Isyu 88 - Kapag alam ng isang tao na siya ay magkakasakit o natatakot siyang magkasakit sakaling siya ay gagawa ng wudhu, dapat siyang gumawa ng tayammum, dahil kung gagawa siya ng wudhu, ito ay walang bisa. Kung hindi niya alam na ang tubig ay makakasama sa kanya, at ginawa niya ang wudhu, at pagkatapos ay nalaman niya ang tubig ay nakakasama sa kanya, ang kanyang wudhu ay walang bisa.
Isyu 89 - Ang wudhu ay dapat gawin sa hangaring “mapalapit kay Allah”; ang ibig sabihin ay nais o kagustuhan ng Allah (SWT), gumagawa ng wudhu ang isang tao, hindi na kailangang “bigkasin” ang niyyat o maging ang pagsabi nito sa sarili, mangyari, din kung alam niyang siya ay gumagawa ng wudhu upang sundin ang kautusan ng Allah, ito ay sapat din. Kagaya ng kung siya ay tatanungin,”Ano ang iyong ginagawa? Ang sagot dapat ay, “Ako ay gumagawa ng wudhu sa pagnanais na mapalapit kay Allah at upang sundin ang kanyang utos”.
Isyu 90 – Kapag kakaunti na lang ang natirang panahon para sa salat na kung gagawa pa siya ng wudhu, ang buong salat o bahagi nito ay matatapos na, dapat siyang gumawa ng tayammum; Pero kung ang paggawa ng tayammum at wudhu ay magkaparehas ng panahong magagamit, dapat siyang gumawa ng wudhu.
Wudhu Jabirah
Ang mga gamot o mga bagay na inilalagay sa mga sugat, o mga bagay na nakabalot sa paligid ng sugat ay tinatawag ito na Jabirah.
Isyu 91 - Sinumang may sugat sa isa sa mga bahagi ng pagwudhu’an pero nakakagawa pa siya ng wudhu sa regular na paraan kung ganoon ay dapat niya itong gawin sa ganong paraan. Halimbawa, kung ang sugat ay nakabukas at ang paglalagay ng tubig dito ay hindi nakakasama para sa sugat; o kung ang sugat ay natatakpan (gaya ng benda), at possible itong buksan at ang paglalagay ng tubig dito ay di nakakasama, kung sa ganon ang wudhu ay dapat na gawin sa dating gawi.
Isyu 92 - Kapag ang sugat na nakabukas ay nasa mukha o mga braso at masama para rito ang paglalagay ng tubig, dapat hugasan ang paligid ng sugat,
at kung ang pagpapahid ng basang kamay ay di masama para rito, sa ganon mas mabuti kung ang basang kamay ay ipahid sa ibabaw na bahagi nito, pagkatapos ang malinis na pampunas ay dapat na ilagay sa ibabaw ng sugat at haplusin ng basang kamay ang ibabaw ng pampunas.
Isyu 93 - Habang gumagawa ng wudhu Jabirah, ang mga bahaging dapat huhugasan at papahiran ay dapat mahugasan at mapahiran ayon sa pamantayang paraan, at sa mga lugar kung saan di posibleng mahugasan, ang basang kamay ay dapat ipahid sa ibabaw ng Jabirah.
Isyu 94 - Kapag ang sugat ay nasa harap ng ulo o ibabaw ng paa (mga lugar na papahiran) at ang mga sugat dito ay nakabukas at hindi ito posibleng pahiran, dapat gumawa ng tayammum.
Isyu 95 - Kapag marami ang sugat sa mukha at mga braso, ang bahagi sa gitna ng mga sugat ay dapat hugasan, at kung may mga benda sa ibabaw ng paa, ang pagpapahid ay dapat gawin sa gitna ng mga benda at kung walang benda, ang pagpahid ay gawin ayon sa paraan na nabanggit sa wudhu Jabirah.
Isyu 96 - Ang isang taong may benda sa palad ng mga kamay o sa mga daliri, at sa oras ng paggawa ng wudhu ang basang kamay ay ipahid dito, pagkatapos maaari niyang gawin ang pagpapahid ng ulo at mga paa sa natirang basa ng kamay.
Isyu 97 - Kapag natatakpan ng benda ang buong mukha o isa sa mga braso, ang mga alituntunin ng Jabirah ay maaaring gawin, at ang paggawa ng wudhu jabira nito ay sapat.
Isyu 98 - Kapag ang buong paa ay
natatakpan ng benda ngunit may maliit na bahagi sa paligid ng mga daliri at
maliit na bahagi sa ibabaw ng paa ay nakabukas, dapat ay pahiran ang mga bahagi
na nakabukas at pahiran din ang ibabaw ng Jabira.
Isyu 99 - Kapag ang Jabirah ay mas malaki ng kaunti kaysa paligid ng mga sugat at hindi ito posibleng alisin o buksan, dapat ay gumawa ng tayammum, maliban na lang kung ang Jabirah ay nasa noo o sa likod ng palad ng mga kamay, na sa ganoong kalagayan ay kailangang gawin ang wudhu jabirah at gawin din ang tayammum.
Isyu 100 - Kapag may bagay na hadlang sa bahagi ng pagwudhu o pagghusl at hindi ito posibleng alisin o masakit kapag ito ay tanggalin at di kaya ninuman ang sakit ng pagkakatanggal nito, dapat ay gumawa ng tayammum, maliban na lang kung may isang lugar na puwede isagawa ang pagtatayammum kung saan dapat gawin ang wudhu Jabirah at tayammum.
Isyu 101 - Ang Ghusl Jabirah ay ginagawa katulad ng Wudhu Jabirah, at ayon sa Ihtiyat Wajib, dapat itong gawin sa paraan ng tarteebi (pagkakasunod-sunod) at hindi Irtimasi (sabay) ang lahat.
Mga Aksiyong nangangailangan ng Wudhu
Isyu 102 - Ang isang tao ay dapat gumawa ng wudhu para sa Salat (maliban sa Salat al-mayyit), at Tawaf sa Ka’bah at sa paghawak sa kahit anong bahagi ng Qur’an o sa mga pangalan ng Allah.
Isyu 103 - Sinumang gagawa ng Salat o isang Wajib Tawaf sa Tahanan ng Allah na hindi gumawa ng Wudhu ay walang bisa ito (ang anumang Salat).
Isyu 104 - Hindi pinahihintulutan ang sinuman na hawakan ang mga sumusunod na mga bagay na hindi gumawa ng Wudhu:
- Ang mga salita ng Banal na Qur’an, pero ang paghawak sa salin nito sa ibang wika ay di problema.
- Ang pangalan ng Allah sa kahit na anong lengguwahe o salita, halimbawa, (Çááĺ) o (ÎĎÇ) o (God), ayon sa Ihtiyat Wajib.
Isyu 105 - Ang Wudhu ay Mustahab para sa mga sumusunod na mga aksiyon:
- Salat al-Mayyit
- Pagpasok sa Masjid o Haram ng A’immah(a)
- Pagbabasa ng Qur’an
- Pagdadala ng Qur’an
- Paghawak sa kahit saang parte ng katawan, hanggang sa takip o mga gilid ng Qur’an
- Pagsasagawa ng Ziyarat ng patay
Paano nawawalang-bisa ang Wudhu
Isyu 106 - Kapag nagawa ng isang tao ang mga sumusunod na mga aksiyon, ang kanyang Wudhu ay mawalang-bisa:
- Pag-ihi, Pagdumi o Paglabas ng hangin sa katawan
- Pagtulog; kung saan hindi nito naririnig o nakikita ng anuman.
- Anumang nakakapagpawala ng kanyang katinuan, kagaya ng
pagkabaliw, o pagkalasing, pagkahimatay.
-
Istihada – para sa mga babae (3)
- Pagpasok sa situwasyon ng Janabat.
GHUSL
Minsan sa mga Salat at iba pang mga aksiyon na nangangailangan ng Wudhu, ang Ghusl din ay nagiging Wajib.
Mga Paraan ng Paggawa ng Ghusl
Isyu 107 - Sa paggawang Ghusl, ang buong katawan, kasama ang ulo at ang leeg ay dapat hugasan. Minsan ang Ghusl ay nagiging wajib, halimbawa sa kaso ng Janabat; at minsan din ang ghusl ay Mustahab, kagaya ng Ghusl sa araw ng Biyernes (Jumu’ah). Datapuwa’t walang pagkakaiba sa paraan ng ghusl, ang Niyyat lamang ang nagbabago.
Isyu 108 - Ang Ghusl ay maaaring gawin sa dalawang paraan: Tarteebi o Irtimasi.
- Sa Ghusl Tarteebi, ayon sa Ihtiyat Wajib, dapat ay mag-umpisa sa
paghuhugas ng ulo at leeg, pagkatapos nito ay ang mga natitirang mga bahagi ng katawan ay huhugasan din- at mas mabuti na hugasan muna ang kanang bahagi, ng katawan kasunod ang kaliwang bahagi ng katawan.
- Sa Ghusl Irtimasi, maaaring ilagay ang buong katawan sa tubig ng sabay o dahan-
dahan na paglubog sa tubig. Kaya sa Ghusl Irtimasi ay dapat na marami ang tubig
upang mailagay ng tao ang buong katawan nito sa ilalim ng tubig.
Mga Kondisyong na Kinakailangan para sa tamang Ghusl
Isyu 109 - Lahat ng mga kondisyong kailangan para sa tamang Wudhu (4) ay kailangan din upang makuha ang tamang Ghusl, maliban sa Muwalat (walang puwang) – at hindi na rin kailangan na hugasan ang katawan mula itaas pababa.
Isyu 110 - Kapag maraming Ghusl ang Wajib para sa isang tao, maaari niya itong gawin ang lahat sa isang Ghusl, sa simpleng sa paraan pagtiyak sa Niyyat ng bawat isa.
Isyu 111 - Sinumang gumawa ng Ghusl Janabat ay hindi na dapat gumawa pa ng Wudhu para sa Salat; at sa ibang mga Ghusl, maaari ring gumawa ng Salat (kahit na di gumawa ng hiwalay na Wudhu) kahit mustahab ghusl ang ginawa. Pero sinuman na gumawa ng ghusl para sa katamtamang istihada (5), hindi maaaring kaagad gagawa ng Salat dahil sa katotohanang dapat munang gawin ang Wudhu pagkatapos ng Ghusl.
Isyu 112 - Sa Ghusl Irtimasi o
Tarteebi, hindi na kailangang ang buong katawan ay tahir; kaya kung sa paglubog
sa tubig o pagbuhos ng tubig sa katawan sa hangaring paggawa ng Ghusl, ang
katawan ay nagiging tahir, at ang Ghusl ay tama.
Isyu 113 -
Ang Ghusl Jabirah ay ginagawa katulad ng Wudhu Jabirah.(6)
Mga Ghusl na Wajib
Isyu 114 - May mga pitong (7) Ghusl na Wajib:
- Janabat
- Mayyit
- Mass Mayyit
- Haidh
- Istihadah
- Nifas
- Ang Ghusl na ginawang Wajib ng isang Nadhr (pangako)
Ghusl Janabat
Isyu 115 - Kapag ang semen (7) ay lumabas mula sa isang tao, dahil sa pagtulog o dahil sa pagtatalik, kahit na gaano pa ito kaliit, siya ay magiging Junub, at dapat na gumawa ng Ghusl Janabat para sa Salat at iba pang mga aksiyon na nangangailangan ng Taharat.
Isyu 116 - kapag nararamdaman ng isang tao ang pagkilos ng kanyang semen sa kanyang katawan, pero ito ay hindi lumabas, siya ay hindi maikonsedirang Junub.
Isyu 117 - Kapag alam ng isang tao na siya ay nilabasan ng semen o kung alam niya ang lumabas na tubig ay semen, siya maikonsiderang Junub at sa ganon dapat gumawa ng Ghusl.
Isyu 118 - Kapag ang isang tao ay nilabasan ng tubig pero hindi niya alam kung ito ay ihi, semen o anuman, at kung ito ay lumabas na may nararamdamang masidhing pagkahilig, at pagkatapos nitong lumabas ang kanyang katawan ay nakaramdam ng pagkapahinga, ang basa na iyon ay maikonsedirang semen; Pero para sa isang taong maysakit, kahit na ang isang palatandaan nito, ibig sabihin ay ang pagkabasa na lumabas na may nararamdamang masidhing pagkahilig ay sapat na.
Isyu 119 - Mustahab na umihi ang tao pagkatapos niyang labasan ng semen, at kung siya ay hindi umihi, at pagkatapos ng Ghusl ay may basa o tubig na lumabas at hindi niya alam kung ito ay semen o anupaman, ito ay maikonsedirang semen.
Mga Aksiyong Haram Para sa Isang Junub
Isyu 120 - Sa oras na ang isang tao ay nagiging Junub hanggang sa paggawa niya ng Ghusl, o kung di niya nagawa ang ghusl at ginawa niya ang tayammum kapalit ng ghusl, ang mga sumusunod na aksiyon ay haram para sa kanya:
- Paghawak sa Qur’an sa kahit na anong bahagi ng katawan, at sa mga pangalan ng Allah at mas mainam na pati mga pangalan ng mga Propeta at ng A’immah (AS).
- Pagpasok sa Masjid al-Haram at Masjid an-Nabi (S) – Kahit na siya ay pumasok lang sa isang pinto at lumabas sa ibang pinto.
- Paglalagi sa Masjid, at ayon sa Ihtiyat wajib, ang paglalagi sa haram ng A’immah (a), pero kung ang pakay lamang ay pumasok sa isamg pinto at lumabas sa ibang pinto, o may kinukuha lang na bagay, hindi ito problema.
- Pagpunta sa masjid upang magsauli o kumuha ng anuman doon, ayon sa Ihtiyat Wajib.
- Pagsasaulo ng isa sa mga Surah mula sa Qur’an na naglalaman ng Wajib na Sajdah, kahit na isang letra ng mga Surah na ito. (Ang mga Ayat ng Sajdah ay ang mga sumusunod):
1. Surah Sajdah 32:15
2. Surah Fusilat 41:37
3. Surah Najm 53:62
4. Surah ‘Alaq 96:19
Isyu 121 - Kapag ang isang tao
ay may nakalaang silid para sa Salat (
Isyu 122 - Walang masama sa paglalagi sa mga haram ng mga lahi ng A’immah (a) sa estado ng janabat, pero ang paglalagi sa Masjid na karamihan ay itinatayo katabi sa mga haram ay haram.
Ghusl Mayyit
Isyu 123 - Kapag ang isang Muslim ay namatay, ang kanyang katawan dapat bigyan ng ghusl, kafan at Salat, at pagkatapos ay dapat na siyang ilibing.(8)
Ghusl Mass Mayyit
Isyu 124 - Anumang bahagi ng katawan ng isang tao na nakahawak sa alinmang bahagi ng katawang patay na lumamig na at hindi pa nabibigyan ng ghusl, dapat siyang gumawa ng ghusl dahil sa pagkahawak sa patay na katawan – ito ay tinatawag na Ghusl Mass Mayyit.
Mga Ghusl Kaugnay sa mga Babae
Isyu 125 - Tatlong mga ghusl, na mula sa mga Wajib na mga ghusl, kagaya
ng ghusl ng Nifas, Haidh, at Istihada ay wajib para sa mga babae lamang. Ang dahilan ng mga ghusl na ito ay kaugnay sa mga dugo na lumalabas mula sa sinapupunan ng mga babae. Ang bawat ghusl na mga ito ay may kani-kaniyang mga alituntunin.
Ghusl ng Haidh (buwanang dalaw)
Isyu 126 - Kapag ang regla o buwanang dalaw ay natapos o ito ay tumigil, ang isang babae ay dapat gumawa ng ghusl upang makagawa ng Salat at iba pang mga aksiyon na nangangailangan ng Taharat.
Isyu 127 - Ang buwanang dalaw ay hindi nangyayari bago pa man sumapit ang edad na siyam na taon, at kung ang isang batang babae ay nilabasan ng dugo bago ang siyam na taon, ito ay walang alituntunin ng Haidh.
Isyu 128 - Ang itinatagal ng Haidh ay hindi maaaring mas mababa kaysa tatlong araw, kaya kung ang dugo ay tumigil bago pa man umabot ng tatlong araw, hindi ito maikonsedirang Haidh.
Isyu 129 - Ang Haidh ay hindi maaaring magpatuloy ng higit pa sa sampung araw, kaya kung may dugo pa pagkatapos ng sampung araw, ang panahon pagkatapos ng sampung araw ay hindi maituring na kasama sa alituntunin ng Haidh.
Isyu 130 - Ang dugo ng Haidh ay kadalasang malapot, medyo mainit at ang kulay ay madilim at lumalabas na bigla at medyo mainit.
Isyu 131 - Sa panahon ng Haidh, may mga aksiyon na haram para sa isang babae:
- Salat at Tawaf sa Ka’bah
-
Lahat ng aksiyon na haram para sa isang
Junub,
Isyu 132 - Sa panahon ng regla,
ang Salat at pag-aayuno ay hindi Wajib.
Isyu 133 - Ang ghusl ng Haidh ay walang pinagkaiba sa ghusl ng Janabat, maliban sa Niyyat.
Ghusl ng Istihada
Isyu 134 - Isa sa mga uri ng dugo na lumalabas mula sa mga babae sa tiyak na panahon mula sa sinapupunan ay tinatawag na Istihada.
Isyu 135 - Ang dugo ng Istihada
ay kadalasang dilaw ang kulay at malamig at lumalabas na walang presyor, at
hindi malapot; at maaari rin na minsan ito ay madilim ang kulay, medyo mainit,
malapot, at lumalabas na may presyor (bigla).
Isyu 136 - Ang dugo ng Istihada ay may dalawang uri, kakaunti o marami na kung saan ang dalawang ito ay nahahati sa tatlong kategorya. Kung ito ay kakaunti lamang, hindi na kailangan ang ghusl, pero ito ay nakakapagpawalang bisa sa Wudhu; at kung ito ay marami, ang ghusl ay nagiging wajib. Para sa mas mabuting pagkakaalam sa mga alituntunin ng bawat kategoryang ito, maaari itong hanapin ng mga kababaihan sa alituntunin 399 ng Tawdihul Masa’il.
Ghusl ng Nifas
Isyu 137 - Ang ghusl ng Nifas ay kaugnay sa panganganak at hindi nangyayari sa ibang pangyayari. Ang ghusl na ito ay dapat gawin pagkatapos lumabas ang dugo sa panganganak (10).
TAYAMMUM
Isyu 138 - Sa mga sumusunod na mga pangyayari, imbes na Wudhu at Ghusl, ang Tayammum ang siyang dapat gawin:
- Walang tubig o wala talagang paraan upang kumuha ng tubig.
- Ang paggamit ng tubig ay may peligro; halimbawa, kung ang isang tao ay gagamit ng tubig, siya ay magkakasakit o ang kanyang sakit ay lalong lumala, o mahihirapang gumaling ang kanyang sakit.
- Kapag kumuha ng tubig para sa ghusl, at siya, kanyang asawa o mga anak, o isang kaibigan o sinuman na nasa ilalim ng kanyang pangangalaga ay mamamatay na sa uhaw o magkakasakit o mananatiling nauuhaw na di na ito makayanan pa (kasama dito ang mga hayop na nasa pangangalaga niya).
- Ang kanyang katawan o damit ay najis, at ang tubig ay sapat lamang upang gawing tahir ang mga ito at wala ng iba pa, at wala na rin siyang ibang damit.
- Ang natitirang oras ay napakaiksi na lamang na kung gagawa pa siya ng wudhu o ghusl, ang buong salat o bahagi nito ay matatapos na (nangangahulugan na ang salat ay gagawin na hindi sa kanyang takdang oras.
Mga Alituntunin ng Tayammum
Isyu 139 - May limang mga bagay na wajib sa Tayammum:
1 - Niyyat
2 - Paghaplos o paglalagay ng mga palad ng kamay sa bagay na maaaring
gawin ang Tayammum.
3 - Pagpapahid o paghahaplos ng dalawang kamay sa ibabaw ng buong
noo kung saan nag-umpisang tumubo ang mga buhok at sa ibabaw ng mga kilay, at ibabaw ng ilong.
4 - Pagpahid o paghaplos ng kaliwang kamay sa ibabaw ng likod ng
kanang kamay.
5 - Pagpapahid o paghaplos ng kanang palad sa ibabaw ng likod ng
kaliwang kamay. ( Kasama dito ang mga daliri sa palad)
Isyu 140 - Ayon sa Ihtiyat Wajib, ang mga palad ng dalawang kamay ay dapat na hampasin sa lupa (o sa kung saan ginagawa ang Tayammum) nang sabay.
Isyu 141 - Ayon sa Ihtiyat Wajib, ang mga palad ng dalawang kamay ay dapat ipahid o ihaplos sa parehong direksiyon ng noo (upang matakpan ang buong noo).
Isyu 142 - Upang makasiguro na ang buong likod ng kamay ay napahiran, dapat ay mag-umpisa ng mas mataas ng kaunti sa may pulso, pero ang pagpapahid sa pagitan sa mga daliri ay hindi na kailangan.
Isyu 143 - Upang makagawa ng Tayammum, dapat alisin ang mga singsing mula sa mga daliri at anuman nasa noo o mga kamay na hadlang sa paggawa ng Tayammum.
Isyu 144 - Lahat ng aksiyon sa Tayammum ay dapat gawin sa hangarin ng paggawa ng Tayammum, at sa pagsunod sa kautusan ng Allah (SWT), at hindi na kailangan na tiyakin pa na ang Tayammum ay ginawa kapalit ng ghusl o wudhu, maliban kung dalawang Tayammum ang ginagawa nang sabay.
Mga Bagay na Maaaring Gawin ang Tayammum
Isyu 145 - Ang Tayammum ay maaaring gawin sa mga sumusunod: lupa, buhangin, umbok ng luwad o bato, kung ito ay tahir.
Mga Alituntunin ng Tayammum
Isyu 146 - Walang pagkakaiba sa taong gumagawa ng Tayammum kapalit ng Wudhu at ng taong gumagawa ng Tayammum kapalit ng ghusl.
Isyu 147 - kapag ang isang tao ay gumagawa ng Tayammum kapalit ng wudhu, at kung isa sa mga bagay na nagpapawalang bisa sa wudhu ay nangyari pagkatapos niyang gawin ang Tayammum, ang kanyang Tayammum ay walang bisa.
Isyu 148 - Kapag ginawa ng isang tao ang Tayammum kapalit ng ghusl, at kung isa sa mga bagay na nagpapawalang bisa sa ghusl ay nangyari pagkatapos niyang gawin ang Tayammum, ang kanyang Tayammum ay walang bisa. Halimbawa, kapag ginawa niya ang Tayammum bilang kapalit ng ghusl janabat, at kung siya ay naging junub muli, ang kanyang Tayammum ay walang bisa.
Isyu 149 - Ang Tayammum ay tama lamang sa pangyayari na hindi kayang gumawa ng wudhu o ghusl ang isang tao. Kaya kung ang isang tao ay gumawa ng Tayammum nang walang matibay na dahilan, ito ay hindi tama, at kung siya ay may dahilan, at pagkatapos ang dahilan na iyon ay natanggal; halimbawa wala siyang tubig, at pagkatapos ng ilang sandali ay nakakuha siya ng tubig, ang kanyang Tayammum ay walang bisa.
Isyu 150 - Kapag ang isang tao ay gumawa ng Tayammum bilang kapalit sa
ghusl janabat, hindi na kailangan na gumawa ng wudhu para sa Salat; pero kung kapalit ng ibang ghusl ay gumawa siya ng Tayammum, ayon sa Ihtiyat Mustahab, dapat siyang gumawa ng Wudhu para sa Salat at kung di siya makagawa ng wudhu, dapat siyang gumawa ng ibang Tayammum kapalit ng wudhu.
SALAT
Ang Salat ay isa sa pinakamahalagang aksiyon ng pagsasamba kay Allah sa Islam, at kapag tinanggap ng Allah (SWT) ang Salat, lahat ng ibang aksiyon ng pagsamba ay tatanggapin din, pero kung ang salat hindi tinanggap, lahat ng ibang aksiyon ay hindi rin tatanggapin.
Sa parehong paraan na ang isang tao ay naliligo limang beses isang araw, walang dumi o masamang amoy ang maiiwan sa kanyang katawan, ang Salat ganon din, kung ginawa limang beses isang araw ay nagpapalinis sa lahat ng mga kasalanan ng isang tao at siya ay nagiging tahir.
Mas mabuti na gawin ang Salat sa unang oras ng pagsapit nito, at sinuman na iniisip na ang kanyang Salat na magaan at hindi mahalaga ay kagaya din ng hindi gumagawa ng Salat. Ang Propeta ng Islam (S) ay nagsabi na, “Sino yong hindi nagbibigay ng kahalagahan sa kanyang Salat at inisip itong isang magaan na bagay lamang, ay karapat-dapat sa kaparusahan sa susunod na buhay”.
Mas mabuti na ang mga bagay na nakakapagpaliit sa gantimpala ng Salat ay iiwasan; halimbawa, paggawa ng Salat kung inaantok, o tumitingin sa kalangitan habang nagdadasal. Mangyari, dapat niyang gawin ang mga aksiyon na nagpaparami ng gantimpala ng Salat; halimbawa, pagdadasal suot ang pinakamalinis na damit, paglalagay ng pabango, pagsisipilyo ng mga ngipin, at pagsusuklay ng buhok.
Mga Pagkakahati-hati ng Salat
Upang mas may mabuting pagkakaalam sa mga alituntunin kaugnay sa Salat, dapat muna nating umpisahang alamin na ang Salat ay maaaring Wajib o Mustahab. Ang Wajib na Salat ay nahahati sa dalawang kategorya; ilan sa mga ito ay ang araw-araw na responsibilidad, at ito ay dapat gawin sa tiyak na oras nito, at ang isa ay ang mga dasal na nagiging wajib sa tiyak na oras nito dahil sa anumang mga pangyayari, at ito ay walang tiyak na programa at hindi ginagawa araw-araw.
Mga Oras ng Araw-araw na Salat
Isyu 151 - Ang araw-araw na
Salat ay
- Salatul Fajr - 2 rak’at
- Salatul Zuhr - 4 rak’at
- Salatul ‘Asr - 4 rak’at
- Salatul Maghrib - 3 rak’at
- Salatul ‘Isha - 4 rak’at
Isyu 152 - Ang oras ng Salatul Fajr ay mula sa Adhan ng Fajr hanggang sa pagsikat ng araw – sa loob ng panahong ito, ang Salat ay dapat gawin, at ang pinakamainam na oras para gawin ito ay pagkatapos ng Adhan.
Isyu 153 - Ang oras para sa Salatul Zuhr at ‘Asr ay mula sa tanghali (ayon sa Batas ng Islam) hanggang sa paglubog ng araw. Ang oras sa umpisa ng tanghali ay oras na laan para lamang sa Salatul Zuhr, at ang natitirang oras bago lumubog ang araw ay nakalaan para lamang sa Salatul ‘Asr.
Ang oras para sa Salatul Maghrib at ‘Isha ay mula sa Maghrib (para sa paliwanag nito pakituon sa Alituntunin 155) hanggang hatinggabi (ayon sa Batas ng Islam), at ang oras pagkatapos ng paglubog ng araw na ang isa makapagdasal ng tatlong rak’at ay nakalaan para sa salatul Maghrib, at ang natitirang oras bago maghatinggabi na ang isa makagawa ng pagdasal sa apat na rak’at na Salat ay nakalaan lamang para sa Salatul ‘Isha.
Fajr
Isang saglit sa wala pa ang madaling araw may
bertikal na puti na tumindig pataas galing sa silangan, ito ay tinatawag na
unang madaling araw. Sa oras na itong puti ay nagkakalat, ito ay tinatawag na
ikadalawang madaling araw, at ito ang simula ng oras para sa Salatul Fajr.
Zuhr
Isyu 154 - Kung ang isang maliit na kahoy ay ilalagay patayo sa lupa, ang anino nito ay mahuhulog papunta sa kanluran sa pagsikat ng araw sa umaga, at habang ang araw ay patuloy na sumisikat, ang anino ay lumiliit. Kapag ang anino ay umabot sa pinakamaliit na sukat, at nag-umpisang bumaling sa silangan, at pagkatapos mag-uumpisa na naman ulit itong lumaki, at ang tanghali ( ayon sa Batas ng Islam ) ay mag-uumpisa, at doon din nag-uumpisa ang Salatul Zuhr. (11)
Maghrib
Isyu 155 - Ang Maghrib ay ang oras na nakikita ang pagkapula ng langit sa silangan na makita kung matapos lumubog ang araw.
Hatinggabi
Isyu 156 - Para sa pagkalkula sa
hatinggabi, na kung saan ito ang kahuli-hulihang oras ng Salatul ‘Isha, ang
oras sa gitna ng paglubog ng araw (Maghrib) hanggang sa Adhan ng Fajr ay
hahatiin. (12)
Mga Alituntunin sa Oras ng Salat
Isyu 157 - Ang Salat, maliban sa araw-araw na Salat ay walang tiyak na oras at pagkakataon (na gawin), mangyari, ito ay kaugnay sa tiyak na oras at mga pangyayari na kung saan ito ay nagiging wajib; halimbawa, ang Salatul Ayat ay kaugnay sa mga pangyayari gaya ng lindol, paglalaho ng araw, paglalaho ng buwan o iba pang mga natural na kalamidad; o Salatul Mayyit na nagiging wajib kung may isang muslim na namatay.
Isyu 158 - Kapag
ang isang salat ay nagawa bago pa man ang takdang oras nito, o sinadya itong
gawin bago pa man ang pagsapit ng oras nito, ang salat ay walang bisa. (Kapag
ang salat ay ginawa sa oras nito, ito ay tinatawag na Salatul
Isyu 159 - Ang isang tao ay dapat magdasal sa tamang oras, at kung sinadya niyang hindi magdasal sa oras nito, siya ay nakakagawa ng kasalanan.
Isyu 160 – Mustahab para sa isang tao ang pagdasal sa tamang oras, at mas mabuti na pagkatapos kaagad ng Adhan. Samakatuwid, kung ito ay mapaliban sa mabuting dahilan, kaya ng pagpapaliban ng Salat para maisagawa ang Jama’at ito ay mabuti.
Isyu 161 - Kapag ang oras ng Salat ay kakaunti na lamang pero gusto ng isang tao na magdasal ng Mustahabat na salat, at kapag ginawa niya ito ay may bahagi ng (wajib) salat na matatapos na hindi sa oras ng salat (wajib), dapat niyang iwanan ang Mustahabat. Halimbawa, kung gusto niyang magdasal ng Qunut ay matatapos na ang oras ng salat, dapat niyang iwanan ang pagdadasal ng Qunut.
Isyu 162 - Ang isang tao ay dapat na magdasal ng Salatul Asr pagkatapos ng Salatul Zuhr, at ang salatul ‘Isha pagkatapos ng Salatul Maghrib, at kung sinadya niyang magdasal ng Salatul Asr bago ang Salatul Zuhr o Salatul ‘Isha bago ang Salatul Maghrib, ang kanyang Salat ay walang bisa.
Qiblah
Isyu 163 - Ang Ka’bah na nasa siyudad ng Mecca, sa loob ng Masjid al-Haram ay naroroon ang Qiblah, at sinumang (Muslim) na may balak magdasal ay dapat humaharap sa deriksyon nito.
Isyu 164 - Sinuman na nasa labas
ng siyudad ng
Mga Kasuotan sa Salat
Isyu 165 - Sa panahon ng Salat, ang mga lalaki ay dapat
magtakip ng kanilang mga pribadong bahagi, at mas mabuti na takpan ang lugar sa
gitna ng pusod hanggang sa mga tuhod.
Isyu 166 - Ang mga babae ay dapat magtakip ng kanilang buong katawan, pero ang pagtatakip ng mga kamay at paa hanggang sa bukong-bukong, at sa mukha - ang mga bahagi na nahuhugasan sa Wudhu ay hindi na kailangan, pero kung ito ay gusting takpan, hindi ito magiging problema.
Isyu 167 - Ang kasuotan ng taong gumagawa ng Salat ay dapat ayon sa mga sumusunod na kondisyon:
- Ito ay dapat na tahir (hindi najis)
- Ito ay dapat na mubah (hindi Ghasbi)
- Ito ay hindi dapat gawa mula sa patay na hayop; gaya ng balat ng hayop na hindi kinatay ayon sa alituntunin ng Islam, kahit na sinturon o sombrero (Ayon sa Ihtiyat wajib).
- Ito ay hindi dapat nagmula sa hayop na kumakain ng kapwa niya hayop, at ayon sa Ihtiyat Wajib, ito ay hindi dapat mula sa anumang hayop na haram kainin; kagaya ng balat ng leopard o alamid.
- Kapag ang nagdadasal ay lalaki, ang kanyang kasuotan ay hindi dapat gawa sa ginto o purong seda.
Isyu 168 - Kagaya ng kasuotan, ang katawan din ng isang taong nagdadasal ay dapat din na tahir.
Isyu 169 - Kapag alam ng isang tao na ang kanyang katawan o kasuotan ay najis, pero sa panahon ng pagdadasal ay nakalimutan niya ito na ito pala ay najis at nagdasal siya sa ganoong sitwasyon, at kung ang pagkalimot niya ay dahil na sa kapabayaan o walang pagbibigay atensiyon (sa kanila na najis), ayon sa Ihtiyat Wajib, dapat niyang ulitin ang kanyang salat.
Isyu 170 - Sa mga sumusunod na mga pangyayari, sinuman na nagdasal habang ang kanyang katawan o kasuotan ay najis, ang salat ay magiging tama:
- Hindi alam ng isang tao na ang kanyang katawan o kasuotan ay najis, at pagkatapos ng pagdasal at saka ito niya nalaman.
- Dahil sa sugat sa katawan, ang katawan o kasuotan ay nagiging najis, at mahirap labhan ang damit o palitan ito.
-
Ang katawan o kasuotan ng isang
tao na may intensyong magdasal ay naging najis ng dugo, pero kung ang najis ay
mas maliit pa sa laki ng isang dirham (kaparehas ng sukat ng kasu-kasuan ng
makapal at pinakamaiksing daliri ng tao na katabi ng hintuturo.(13)
- Sinumang hindi kayang (gawing tahir) at dapat magdasal sa najis na katawan o damit; halimbawa, kung siya ay walang tubig para sa paglinis ng kanyang damit o katawan. (Ayon sa paliwanag sa alituntunin 854 sa Tawdihul Masa’il).
Isyu 171 - Ang pagsusuot ng ‘aba, puting damit, kagaya ng pinakamalinis na kasuotan, at paglalagay ng pabango sa sarili, at pagsusuot ng singsing na Aqiq sa daliri ng kamay sa panahon ng Salat itong lahat ay Mustahab.
Isyu 172 - Ang pagsusuot ng itim na kasuotan, masikip o maiksing damit, at mga damit na may mga larawan nito, at ang pagbubukas ng mga butones sa panahon ng salat ay makruh itong lahat..
Ang Lugar ng
Salat
Isyu 173 - Ang lugar kung saan ginagawa ang salat ay dapat may mga sumusunod na mga kondisyon:
- Mubah (hindi Ghasbi)
- Ito ay dapat hindi gumagalaw na lugar na kung saan naaabala ang isang tao sa
paggawa ng salat; mula sa pagtayo, o paggawa ng ruku o sujud. Sa katutuhanan,
ayon sa Ihtiyat Wajib, dapat ay hindi gumagalaw ang lugar ng salat upang hindi
nito magulo ang pagkakapanatili ng katawan.
- Ang lugar ay hindi dapat maliit at ang kisame ay hindi dapat napakababa na indi
nakakagawa ng Qiyam, ruku,o sujud sa tamang paraan.
- Ang lugar kung saan inilalagay ang noo (sa sajdah) ay dapat tahir.
- Kapag ang lugar ng pagdadasal ay najis, ito ay hindi dapat basa na kung saan ay
naililipat nito ang najasat sa katawan o damit.
- Ang lugar kung saan ilalagay ang noo (sa sajdah) ay dapat hindi mas malaki pa
sa apat na saradong mga daliri, mas mababa o mas mataas kaysa paa, Pero kung
ang lupa ay hindi pantay ng kaunti, di ito problema.(14)
- Ayon sa Ihtiyat Wajib, ang mga babae ay dapat na tumayo sa likod ng mga
lalaki sa panahon ng Salat.
Mga Alituntunin sa Lugar ng Salat
Isyu 174 - Kapag dahil sa kawalan ng oras o iba pang mga dahilan na kung saan ang isang tao ay hindi makakagawa ng kanyang salat sa gumagalaw na sasakyan gaya ng tren o eroplano, dapat niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya na hindi makagalaw at mapagmasdan ang deriksiyon ng Qiblah, at kung siya ay nasa sasakyan at siya ay nakaharap sa ibang deriksiyon at hindi sa Qiblah, dapat siyang humarap muli na kung saan siya ay nakaharap parin sa Qiblah.
Isyu 175 - Hindi pinahihintulutan ang sinuman na magdasal sa harap ng libing ng Propeta(s) at ng A’immah (a), kung may kasama itong hindi paggalang, pero kung wala ay hindi ito problema. (15)
Isyu 176 - Mustahab na gawin ng isang tao ang kanyang obligasyon na Salat (wajib salat) sa Masjid, at sa Islam ay maraming mga mahahalagang paliwanag sa ganitong rekomendasyon.
Mga Alituntunin ng Masjid
Isyu 177 - Sa mga sumusunod na mga alituntunin, ipapaliwanag natin ang kahalagahan sa pagpupunta sa Masjid at pagdadasal sa lugar na ito:
- Ang laging pagpupunta sa Masjid ay Mustahab.
- Mustahab na pumunta sa isang Masjid na hindi laging pinupuntahan ng mga tao.
- Makruh sa isang tao na malapit sa Masjid na pumunta at gumawa ng salat sa ibang masjid na walang dapat dahilan.
- Mustahab na kapag ang isang tao ay hindi pumupunta sa Masjid para sa Salat, ang ibang mga tao ay hindi dapat na makisabay kumain sa kanya, o makinig sa mga mungkahi niya, o tumira katabi niya, o kumuha ng mapapangasawa mula sa pamilya niya, o bigyan ng babae para mapapangasawa niya.
Isyu 178 - Ang mga sumusunod na mga aksiyon ay Haram gawin sa Masjid:
- Pagpapalamuti ng ginto sa masjid (ayon sa Ihtiyat Wajib)
- Pagbebenta ng Masjid – kahit na ito ay giniba
- Paggawa ng Masjid na najis, at kung ito ay nagawang najis, dapat itong gawing tahir kaagad.
Isyu 179 - Ang mga sumusunod na mga aksiyon ay Mustahab para sa Masjid:
- Dapat ay pumunta sa Masjid ng mas maaga pa kaysa iba, at iwanan
pagkatapos umalis ng karamihan.
- Gawing maliwanag ang Masjid.
- Paglilinis sa Masjid.
- Pagpasok sa Masjid na una ang kanang paa.
- Paglabas sa Masjid na una ang kaliwang paa.
- Pagsasaulo ng dalawang ra’kat mustahab na salat bilang pasasalamat sa pagpasok sa Masjid, at bilang respeto o paggalang dito.
- Paglalagay ng pabango sa sarili at pagsusuot ng pinakamalinis na damit.
Isyu 180 - Ang mga sumusunod na mga aksiyon ay Makruh na gawin sa Masjid:
- Pagluwa o pagtapon ng plema o sipon mula sa ilong sa loob ng masjid.
- Pagtulog sa masjid – maliban sa hindi makayanang kalagayan.
- Pagsigaw sa loob ng masjid, o pagsasalita ng malakas, maliban sa Adhan.
- Pag-uusap tungkol sa mga makamundong bagay.
- Para sa sinumang pumunta sa masjid na kung saan siya ay nakakain ng sibuyas o bawang, etc… na kung saan ang masamang amoy mula sa bibig ay naaamoy ng iba.
Paghahanda Para sa Salat
Pagkatapos nating natutunan ang mga alituntunin kaugnay sa Wudhu, Ghusl, Tayammum, mga oras ng Salat, mga kasuotan sa salat, at mga lugar sa Salat, handa na tayong mag-umpisang magdasal!
Adhan at Iqamah
Isyu 181 - Mustahab na bago gawin ang pang-araw-araw na salat, dapat munang bigkasin ang Adhan at Iqamah, at pagkatapos ay umpisahan na ang salat.
Adhan
Çááĺ ĂßČŃ Allahu
Akbar
4 na beses
ĂÔĺĎ Ăä áÇ Çáĺ ÇáÇ Çááĺ Ashhadu an la Ilaha
Illah-lah 2 na beses
ĂÔĺĎ Ăä
ăÍăĎÇ ŃÓćá Çááĺ Ashhadu
anna Muhammadan
Rasulul-lah 2 na beses
Íě Úáě ÇáŐáÇÉ Hayya 'Alas-Salah 2 na beses
Íě Úáě ÇáÝáÇÍ Hayya 'Alal-falah
2 na beses
Íě Úáě ÎíŃ ÇáÚăá Hayya 'ala Khayril-'amal 2
na beses
Çááĺ ĂßČŃ Allahu
Akbar 2 na beses
áÇ Çáĺ ÇáÇ Çááĺ La ilaha illal-lah 1 na beses
Iqamah
Arabic
Translitirasyon
Çááĺ ĂßŃ Allahu
Akbar 2 na beses
ĂÔĺĎ Ăä áÇ Çáĺ ÇáÇ Çááĺ Ashhadu an la Ilaha
Illal-lah 2 na beses
ĂÔĺĎ Ăä ăÍăĎÇ ŃÓćá Çááĺ Ashhadu anna Muhammadan
Rasulul-lah 2 na beses
Íě Úáě ÇáŐáÇÉ Hayya 'alas-Salah 2 na beses
49
Íě Úáě ÇáÝáÇÍ Hayya
'alal-Falah 2 na beses
Íě Úáě ÎíŃ ÇáÚăá Hayyaa
'alal Khayril-'amal 2 na
beses
ŢĎ ŢÇăĘ ÇáŐáÇÉ Qad qamatis-Salah 2 na beses
Çááĺ ÇßČŃ Allahu
Akbar 2 na beses
áÇ Çáĺ ÇáÇ Çááĺ
La ilaha illal-lah 1 na beses
Isyu 182 - Ang mga katagang (ĂÔĺĎ Ăä ÚáíÇ ćáě Çááĺ) o (Ashhadu anna 'Aliyan Waly-ullah) ay hindi bahagi ng Adhan o Iqamah, pero mas mabuti na bigkasin ito pagkatapos ng: (ĂÔĺĎ Ăä ăÍăĎÇ ŃÓćá Çááĺ) o (Ashhadu anna Muhammadan Rasulul-lah), sa hangaring mapalapit kay Allah.
Isyu 183 - Ang Adhan at Iqamah ay dapat bigkasin kaagad sa pagsapit ng oras sa Salat, at kung ito ay ginawa bago ang oras ng salat, ito ay walang bisa.
Isyu 184 - Ang Iqamah ay dapat gawin pagkatapos ng Adhan, at hindi tama na gawin ito bago ang Adhan.
Isyu 185 - Dapat walang matagal na puwang sa gitna ng Adhan at Iqamah habang ito ay ginagawa, at kung ang puwang ay mas matagal sa karaniwan, dapat ulitin ang Adhan at Iqamah.
Isyu 186 - Kung ang Adhan at Iqamah ay ginawa para sa Salatul Jama’at, ang isang tao ay hindi na kailangang gumawa ng sarili niyang adhan at Iqamah, kung siya ay sumasali sa jama’at.
Isyu 187 - Sinuman na pumasok sa masjid para sa salat jama’at, at kung pagdating niya ay napansin niyang natapos na ang salat, pero kung ang ayos o hanay ng mga taong naroroon ay hindi pa nasira at ang mga tao ay hindi pa nagkakahiwalay, maaari niyang gawin ang salat na hindi bigkasin ang Adhan at Iqamah.
Isyu 188 - Ang Mustahab na salat ay walang Adhan at Iqamah.
Isyu 189 - Kapag may isang sanggol na isinilang, Mustahab na bigkasin ang Adhan sa kanang tainga at ang Iqamah sa kaliwang tainga.
Isyu 190 - Mustahab na kapag may intensiyon ang isang tao na bigkasin ang Adhan: Ihanda ang sarili para sa Adhan, at dapat siya ay tapat (Adil) na tao, at siya na nakakaalam sa oras ng Adhan at bigkasin ito sa malakas na boses.
Mga Aksiyon ng Salat
Isyu 191 - Ang Salat ay nag-uumpisa sa pagsasabi ng (Çááĺ ĂßČŃ) o (Allahu Akbar), at nagtatapos sa pagbibigkas ng Salam.
Isyu 192 - Ang mga aksiyong ginagawa sa Salat ay maaaring Wajib o Mustahab.
Isyu 193 - Ang mga Wajibat ng
Salat ay 11(labing-isa) kung saan ang ibang mga bagay ay rukun, at iba ay ghayri-rukun.
Wajibat ng Salat
- Niyyat (Hangarin)
- Takbiratul Ihram [Pagbibigkas ng (Çááĺ ĂßČŃ) o (Allahu Akbar)]
- Qiyam (Pagtatayo)
- Ruku (Pagyuyukod)
- Sujud (Pagpatirapa)
- Qira’at (Pagbibigkas)
- Dhikr (Pagpupuri)
- Tashahhud (Pagsasaksi)
- Salam (Pagbabati)
- Tarteeb (Pagkakasunod-sunod)
- Muwalat (Walang puwang)
Rukun ng Salat
- Niyyat (Hangarin)
- Takbiratul Ihram [pagbibigkas ng (Çááĺ ĂßČŃ )o Allahu Akbar]
- Qiyam (Pagtayo – parehong nakatayo habang sa pagbibigkas, at nakatayo pagkatapos ng Ruku)
- Ruku
- Sujud
Ang Mga Kaibahan ng Rukun at Ghayr-Rukun
Isyu 194 - Ang arkan ng Salat ay yung mga bahagi na kung saan ay kailangan sa Salat, at kung alinman sa mga Rukun ay iniwan o kahit kung ito baka sakali nakalimutan, ang Salat ay mapawalang bisa, kagaya din kung may sa rukun na naidagdag na sinasadya, ang Salat ay walang bisa; at kung dahil sa pagkalimot ay gumawa siya ng higit na ruku o mahigit sa dalawang sajdah sa isang rak’at, ayon sa Ihtiyat Wajib, ang Salat ay magiging walang bisa. Datapuwa’t kaugnay sa ibang Wajibat, kahit na ang paggawa nito ay kinakailangan, kung ito ay naiwanan o nadagdagan dahil sa pagkalimot, ang Salat ay hindi mawalang bisa; pero kung sinadya itong hindi ginawa o dinagdagan, ang Salat ay magiging walang bisa.
Mga Alituntunin Ukol sa Wajibat ng Salat
*Niyyat
Isyu 195 - Ang isang taong nagdadasal ay dapat na alam niya kung anong Salat ang kanyang ginagawa, at dapat niya itong gawin sa hangarin na pagsunod sa mga kautusan ng Allah.
Isyu 196 - Hindi na kailangang bigkasin pa ang Niyyat, pero kung ito ay ginawa, di ito problema.
Isyu 197 - Ang Salat ay hindi dapat gawin sa hangaring pagpapakita o pagmamayabang lamang; ito ay dapat lamang na gawin para kay Allah (SWT), at kung ang buong Salat o bahagi nito ay ginawa para lamang pagpapakita sa mga tao, ito ay walang bisa.
*Takbiratul Ihram
Isyu 198 - Sa naipaliwanag na, ang pagsasabi ng (Çááĺ ĂßČŃ) o (Allahu Akbar) ay nag-uumpisa sa Salat, at ang mga katagang ito ay tinatawag na Takbiratul Ihram. [Ganito ang tawag dahil sa pagsasabi nitong Takbir na ito, iilang mga aksiyon na kung saan dati ay maaaring gawin, para sa isang taong nagdadasal ngayon ito ay nagiging haram, kagaya ng pagkain, pag-inom, pag-iyak at pagtawa (ayon sa mga kondisyon na ipapaliwanag)]
Isyu 199 - Mustahab na ang isang taong nagdadasal ay itaas ang kanyang kanang kamay hanggang sa ito ay kahanay o kahilera ng kanyang mga tainga sa oras ng pagsasabi ng Takbiratul Ihram, at para sa ibang Takbir ng Salat gayon din.
*Qiyam
Isyu 200 - Ang ibig sabihin ng Qiyam ay pagtayo. Ang taong nagdadasal ay dapat na nakatayo ng tuwid habang binibigkas niya ang Takbiratul Ihram, at habang binibigkas niya ang mga Surah.
Isyu 201 - Kung nakalimutan niya ang Ruku, ang ibig sabihin pagkatapos ng Qira’at ay gumawa kaagad ng Sajdah, pero bago pa man ang Sajdah ay naalala niya na hindi niya nagawa ang ruku, dapat siyang tumayo nang tuwid at gumawa ng ruku, at pagkatapos gawin ang Sajdah (at ipagpatuloy ang Salat).
Isyu 202 - Ayon sa Ihtiyat Wajib, ang isang taong gumagawa ng Salat ay dapat na tumayo na ang dalawang paa ay pantay na nasa sahig; pero hindi na kailangan na ang bigat ay pareho sa magkabilang paa, gaya nang kung mas mabigat ang isang paa kaysa isa, wala itong problema.
Isyu 203 - Ang isang taong walang kakayahang tumayo at magdasal, kahit sa tulong ng sungkod o pagsandal sa dingding, ay dapat na magdasal habang nakaupo na nakaharap sa Qiblah, at kung hindi pa rin siya nakapagdadasal na nakaupo, dapat siyang magdasal na nakahiga.
Isyu 204 - Pagkatapos ng Ruku, Wajib na tumayo ng tuwid, pagkatapos gawin ang Sajdah, at kung sinadya niyang di tumayo nang tuwid, ang kanyang Salat ay magiging walang bisa.
*Qira’at
Isyu 205 - Sa una at pangalawang raka’t ng pang-araw-araw na Salat, dapat munang bigkasin ang Surah al-Fatiha, at pagkatapos nito ay isa pang kumpletong Surah mula sa Qur’an (halimbawa, Surah al-Tawhid).
Surah al-Fatiha:
ČÓă Çááĺ ÇáŃÍăä ÇáŃÍíă
ÇáÍăĎ ááĺ ŃČ ÇáÚÇáăíä * ÇáŃÍăä
ÇáŃÍíă * ăÇáß íćă ÇáĎíä * ÇíÇß äÚČĎ ć ÇíÇß äÓĘÚíä *
ÇĺĎäÇ ÇáŐŃÇŘ ÇáăÓĘŢíă * ŐŃÇŘ
ÇáĐíä ÇäÚăĘ Úáíĺă ŰíŃ ÇáăŰÖćČ Úáíĺă ć áÇ ÇáÖÇáíä.
Surah al-Fatiha (translitirasyon)
Bismillah
hir Rahmaanir Raheem
Al-hamdu-li
Llahi Rabbil-aalemen*Ar-Rahmaanir Raheem*
Maaliki
Yawmid Deen*Iyyaaka na'budu wa Iyyaaka nasta'een
Ihdinas
siraatal mustaqeem
Siratal-ladhina
an'amta 'alayhim, Ghayril maghdhuubi 'alayhim wa-ladh
dhaaleen.
Surah
al-Tawhid
ČÓă Çááĺ ÇáŃÍăä
ÇáŃÍíă
Ţá ĺć Çááĺ ĂÍĎ * Çááĺ ÇáŐăĎ *
áă íáĎ ć áă íćáĎ* ć áă íßä áĺ ßÝćÇ ĂÍĎ .
Surah al-Tawhid (translitirasyon)
Bismillah
hir Rahmaanir Raheem
Qul
Huwa-laahu Ahad*Allahus Samad
Lam
yalid wa lam yoolad
Wa lam yakun lahoo Kufuwan ahad.
Sa pangatlo at pang-apat na raka’t, dapat ay bigkasin ang Surah al-Fatiha isang beses o Tasbihat al-Arbah ng isang beses, pero mas mabuti kung bibigkasin ang Tasbihat al-Arbah ng tatlong beses.
Tasbihat al-Arbah:
((ÓČÍÇä Çááĺ ć ÇáÍăĎ ááĺ ćáÇ Çáĺ ÇáÇ Çááĺ ć Çááĺ ĂßČŃ))
Tasbihat al-Arbah (translitirasyon)
Subhaanal-laahi
wal-hamdu lil-laahi wa laa illaha
illal-laahu
wal-laahu Akbar.
Mga Alituntunin ng Pagbibigkas (Qira’at)
Isyu 206 - Ayon sa Ihtiyat Wajib, sa pangatlo at pang-apat na rak’at ng Salat, ang Surah al-Fatiha o ang Tasbihat ay dapat bigkasin ng tahimik (binubolong).
Isyu 207 - Sa Salatul Zuhr at Asr, ang Qira’at ng una at pangalawang rak’at ayon sa Ihtiyat Wajib ay dapat bigkasin ng tahimik (binubolong).
Isyu 208 - Ayon sa Ihtiyat Wajib, sa Salatul Fajr, Maghrib at Isha, ang mga lalaki ay dapat na bigkasin ang Surah al-Fatiha at isa pang Surah sa una at
pangalawang raka’t sa malakas na boses, at para sa mga babae, kung hindi naririnig ng mga di-Mahram ang kanilang mga boses ay maaari nila itong bigkasin sa malakas na boses, pero kung sila ay naririnig ng di-Mahram, ayon sa Ihtiyat Wajib, ay dapat nila itong bigkasin ng tahimik (binubolong).
Isyu 209 - Kung sa lugar na wajib ang pagbibigkas ng malakas at sinadya nito ang pagbigkas ang Salat ng tahimik (binubolong) o sa mga lugar na wajib ang pagbigkas na tahimik (binubolong) at sinadya ang pagbigkas nito nang malakas, ayon sa Ihtiyat Wajib, ang Salat ay magiging walang bisa. Pero kung ito ay nagawa dahil sa pagkalimot, o dahil hindi alam ang alituntunin ng Salat, ito ay magiging tama.
Isyu 210 - Kapag
habang binibigkas ang Surah al-Fatiha o ang ibang Surah at nalaman ng isang tao
na siya ay nagkamali, halimbawa, imbes na bigkasin ito ng malakas ay nasabi
niya ito nang tahimik, hindi na kailangang ulitin pa ang anumang nasabing
Isyu 211 - Dapat matutunang mabuti ng isang tao ang pagdadasal ng Salat upang hindi siya magkakamali, at sinuman na di kayang bigkasin ang buong Surah al-Fatiha, dapat niyang pag-aralan ang kaya niya at bigkasin ito. Pero kung ang natutunan niyang bahagi ay hindi sapat, ayon sa ihtiyat wajib, dapat siyang matuto ng ibang bahagi ng Qur’an na kaya niya, at bigkasin ito dagdag (sa natutunan niyang bahagi ng Surah al-Fatiha). Kung di pa rin niya ito kayang gawin, siya ay dapat magsaulo ng Tasbih (dagdag sa anumang bahaging natutunan niya sa Surah al-Fatiha). Pero para sa isang tao na di kayang matuto ng Surah, hindi na kailangan na magbigkas ng ano man kapalit nito, at ayon sa Ihtiyat Mustahab, dapat niyang gawin ang kanyang Salat sa Jama’at.
*Ruku
Isyu 212 - Sa bawat raka’t pagkatapos ng Qira’at, ang isang taong nagdadasal ay dapat yumuko na may intensiyon/hangarin ng ruku na kung saan ang dulo ng kanyang mga daliri ng kamay ay ilalagay sa (dalawang) tuhod – itong aksiyon ay tinatawag na Ruku - at Wajib na habang nasa ganitong posisyon ng ruku, ang Dhikr ay dapat din bigkasin.
Isyu 213 - Anumang Dhikr na binigkas sa ruku ay sapat na, pero hindi ito dapat na mas kaunti kaysa: (ÓČÍÇä Çááĺ) (Subhaana-laahe) tatlong beses o (ÓČÍÇä ŃČě ÇáÚŮíă ćČÍăĎĺ ) (Subhaana Rabbiyal 'Azheemi wa bi-hamdih) makaisa, pero mas mabuti na ang mga Dhikr na ito ay maibigkas.
Isyu 214 - Habang binibigkas ang Dhikr sa ruku, ang katawan ay dapat hindi gumagalaw.
Isyu 215 - Kung bago pa man nakakayukod nang buo ang isang tao sa ruku, ang kanyang katawan ay hindi gumagalaw, at ang Dhikr ay binigkas, ang kanyang Salat ay magiging walang bisa.
Isyu 216 - Kapag bago matapos ang Wajib na Dhikr at sinadya ng isang tao na itaas ang kanyang ulo sa kalagayan ng ruku, ang kanyang salat ay magiging walang bisa.
*Sujud
Isyu 217 - Sa bawat raka’t ng Wajib at Mustahab na Salat, ang isang tao ay dapat gumawa ng dalawang Sajdah pagkatapos ng ruku.
Isyu 218 - Ang Sajdah ay ang paglalagay ng noo sa lupa sa hangarin ng paggawa ng Sajdah, at habang nasa Sajdah, Wajib na ang mga palad ng dalawang kamay, mga tuhod, at mga dulo ng dalawang malalaking mga daliri ng paa ay lahat nasa lupa din, at Wajib din na habang nasa Sajdah, ang Dhikr ay bibigkasin.
Isyu 219 - Anumang Dhikr na binigkas sa Sujud ay sapat
na, pero ayon sa Ihtiyat Wajib, ito ay hindi dapat mas kaunti kaysa: (ÓČÍÇä Çááĺ) (Subhaanal-laahe) tatlong
beses o (ÓČÍÇä ŃČě
ÇáÇÚáě ć ČÍăĎĺ) (Subhaana
Rabbiyal 'A'laa wa bihamdih) makaisa, at mas mabuti na
ang mga Dhikr na ito ay dapat maibigkas.
Isyu 220 - Habang binibigkas ang Dhikr sa Sujud, ang katawan ay dapat na hindi gumagalaw.
Isyu 221 - Kapag bago pa man umabot ang noo sa lupa at ang katawan ay gumagalaw at sinasadyang binibigkas ang Dhikr ng Sajdah, ang Salat ay magiging walang bisa. Pero kung ito ay nagawa dahil sa pagkalimot, ang katawan ay dapat munang hindi gumagalaw, at pagkatapos ang Dhikr ay dapat ulitin muli sa pagbigkas.
Isyu 222 - Pagkatapos makumpleto ang pagbigkas ng Dhikr sa unang Sajdah, ang isang tao ay dapat umupo ng tuwid ng isang saglit na hindi gumagalaw at pagkatapos gumawa ulit ng Sajdah.
Isyu 223 - Kapag bago matapos ang Dhikr ay sinadya ng isang tao na umalis sa Sajdah, ang kanyang Salat ay magiging walang bisa.
Isyu 224 - Kapag habang binibigkas ang Dhikr sa sajdah ay sinadya ng isang tao na itass ang isa sa mga pitong bahagi ng katawan mula sa lupa, ang Salat ay walang bisa. Pero kung hindi pa niya naibigkas ang Dhikr at isa sa mga pitong bahagi, maliban sa noo ay naitaas at nailagay ulit sa lupa, ito ay hindi problema.
Isyu 225 - Kapag kasama ng dalawang malalaking daliri sa paa, ang ibang mga daliri ay nailagay din sa lupa, hindi ito problema.
Isyu 226 - Habang nasa Sajdah, ang isang taong nagdadasal ay dapat na ilagay ang kanyang noo sa lupa o sa bagay na galing sa lupa na hindi nakakain o nasusuot; gaya ng kahoy o dahon ng puno.
Isyu 227 - Ang paggawa ng Sajdah sa mga bagay kagaya ng mga mineral, halimbawa ay ginto at pilak at aqiq at firoza ay hindi tama.
Isyu 228 - Ang paggawa ng Sajdah sa mga bagay na galing sa lupa na kung saan ito ay pagkain para sa mga hayop gaya ng damo at dayami ay hindi problema.
Isyu 229 - Ang paggawa ng Sajdah sa papel, kung ito ay mula sa mga bagay na maaaring gawin ang Sajdah, o kung ito ay yari sa koton o lana ay hindi problema.
Isyu 230 - Ang pinakamainam na bagay na kung saan maaaring gawin ang Sajdah ay ang lupang nagmula sa libing ng Hadrat Sayyid ash-Shohada (a) at pagkatapos nito, sa mga sumusunod na kaayusan:
- Alikabok
- Bato
- Mga tanim
Isyu 231 - Kapag habang nasa Sajdah ang turbah ay dumikit sa noo, dapat itong tanggalin bago ang pangalawang Sajdah isagawa.
Ang
Responsibilidad ng Isang Taong di Makakagawa ng Sajdah sa
Isyu 232 - Sinuman na hindi kayang paabutin ang kanyang noo sa lupa ay dapat na yumuko hanggat kaya niya at kunin ang turba pataas at ilagay iyon sa noo, at gawin ang Sajdah sa ganitong paraan, pero ang mga palad ng mga kamay, mga tuhod at dalawang malalaking mga daliri ng paa ay dapat na ilagay sa lugar kagaya ng kadalasang ginagawa sa Sajdah.
Isyu 233 - Kung hindi kaya ng isang tao na yumuko para sa Sajdah, dapat siya ay umupo na kung saan ang kanyang ulo ay nagbibigay pahiwatig ng Sajdah, pero ayon sa Ihtiyat Mustahab, dapat na itaas ang turbah upang mailagay ito sa noo.
Ang Wajib Sajdah ng Qur’an
Isyu 234 - Sa apat na Surah ng Qur’an ay may mga bersikolo (ayat) na Sajdah na kapag binabasa ng isang tao ang isa sa mga ayat nito o kung naririnig siyang may nagbabasa isa sa mga ayat nito, pagkatapos ng pagbabasa ay dapat siya kaagad gumawa ng Sajdah.
Isyu 235 - Ang mga Surah (Kapitolo) na may mga Ayat na Wajib ang pag-sajdah ay:
- Surah 32 as-Sajdah/ ayat 15
- Surah 41 al-Fusilat/ ayat 38
- Surah 53 an-Najm/ ayat 62
- Surah 96 al-Alaq/ ayat 19
Isyu 236 - Kung nakalimutan ng isang tao na gumawa ng Sajdah, kailanman ito ay kanyang naalala ay dapat siyang gumawa agad ng Sajdah.
Isyu 237 - Kapag ang ayat ng
Sajdah ay narinig mula sa tape recorder o mga bagay
Isyu 238 - Kapag ang ang isang tao narinig niya ang ayat ng Sajdah mula sa tagasalita, ang paggawa ng Sajdah ay Wajib.
Isyu 239 - Kapag ang ayat ng Sajdah ay narinig mula sa radyo, sa pangyayari na ang programa sa radio ay direkta (ang tagasalita ay nasa istudyo at binibigkas ang ayat), pagkatapos makumpleto ang ayat, ang Sajdah ay Wajib; pero kung kung ito ay pinatugtog lamang ng radio mula sa tape ng Qur’an, ang Sajdah ay hindi Wajib.
Isyu 240 - Hindi Wajib na bigkasin ang Dhikr habang nasa sajdah na ito, pero ito ay Mustahab.
*Tashahhud
Isyu 241 - Sa pangalawang raka’t at sa katapusan ng Wajib Salat, pagkatapos ng ikalawang Sajdah dapat ay umupo, at sa tuwid na pag-upo ay bigkasin ang Tashahhud:
((ĂÔĺĎ Çä áÇ Çáĺ ÇáÇ Çááĺ ć ÍĎĺ áÇ ÔŃíß áĺ ć ĂÔĺĎ Ăä ăÍăĎÇ ÚČĎĺ ć ŃÓćáĺ
Çááĺă Őáě Úáě ăÍăĎ ć Çá ăÍăĎ))
Translitirasyon ng Tashahud:
Alhamdu'lillah
Ashhadu an Laa Ilaaha
illal-laah, Wahdahu laa sharika lah
Wa ashhadu anna Muhammadan
'Abduhu wa Rasooluh.
Allahumma salli 'Alaa
Muhammadin wa 'Aale Muhammad.
*Salam
Isyu 242 - Sa kahuli-hulihang
raka’t ng Salat, pagkatapos ng Tashahud, ay dapat bigkasin ang Salam at
pagkatapos nito ang Salat ay matatapos.
Mustahab na bigkasin:
(ÇáÓáÇă Úáíß ĂíĺÇ ÇáäČě ć ŃÍăÉ
Çááĺ ć ČŃßÇĘĺ), kasunod ang
ÚČÇĎ
Çááĺ ÇáŐÇáÍíä) ÇÇÓáÇă ÚáíäÇ ć Úáě (
At
öayon sa Ihtiyat Mustahab, dapat idagdag
ang
( (ć ŃÍăÉ Çááĺ ćČŃßÇĘĺ , pero kung sinabi niya ang kanyang salam, ayon sa Ihtiyat Wajib, dapat din niyang sabihin ang (ÇáÓáÇă Úáíßă).
Translitirasyon ng Salam:
As-salaamu 'alayka ayuhan Nabiyyu wa
Rahmatul-laahi wa barakaatuh.
As-salaamu
'alayna wa 'alaa 'Ibaadil-laahis Saaliheen.
As-salaamu 'alaykum wa rahmatul-laahi wa
barakaatuh.
*Tarteeb (Pagkakasunod-sunod)
Isyu 243 - Ang Salat ay dapat
gawin sa sumusunod na pagkakaayos:
Takbiratul Ihram, Qira’at, Ruku, Sujud, at sa ikalawang Raka’t
pagkatapos ng Sujud, ang Tashahud ay dapat na bigkasin, at sa kahuli-hulihang
raka’t pagkatapos ng Tashahud, ang Salam ay dapat bibigkasin.
*Muwalat (tuloy-tuloy)
Isyu 244 - Ang Muwalat ay nangangahulugan na ang bawat aksiyon ay dapat gawin nang tuloy-tuloy na walang puwang sa gitna nito.
Isyu 245 - Ang isang tao na naglalagay ng puwang sa gitna ng mga aksiyon ng Salat, na kung saan masasabing siya ay hindi gumagawa ng Salat, ang Salat ay magiging walang bisa.
Isyu 246 - Ang pagtatagal sa Ruku at sa Sujud at pagbabasa ng mahahabang Surah ay hindi nakakaapekto sa Muwalat ng Salat.
*Qunut
Isyu 247 - Sa ikalawang Raka’t ng Salat pagkatapos ang pagbibigkas ng Surah al-Fatiha at isa pang Surah, bago mag-ruku, Mustahab na bigkasin ang Qunut; ibig sabihin na ang mga kamay ay itaas sa harap ng mukha, at bigkasin ang Du’a at Dhikr.
Isyu 248 - Anumang Dhikr na
sinabi sa Qunut ay sapat na, kahit (ÓČÍÇä Çááĺ) o (Subhaanal-laahe),
at maaari ring bigkasin ang mga sumusunod na Du’a (ŃČäÇ ÇĘäÇ Ýě ÇáĎäíÇ ÍÓäĺ ć Ýě
ÇáÇÎŃÉ ÍÓäÉ ć ŢäÇ ÚĐÇČ ÇáäÇŃ) o (Rabbanaa Aatina Fid-dunyaa
hasanah, wa Fil-akhirate hasanah, wa Qinnaa 'Adhaab an-Naar.
*Ta’qib Salat
Ang Ta’qib Salat ay ang pagbibigkas ng Dhikr at Du’a, at ang pagbabasa ng Qur’an pagkatapos ng Salat.
Isyu 249 - Mas mabuti na habang nasa kalagayan ng Ta’qib, ang isang tao ay nakaharap sa Qiblah.
Isyu 250 - Hindi na kailangan sasabihin ang Ta’qib sa Arabik, pero mas mabuti na yung mga Du’a na nasa mga tamang aklat ang bibigkasin.
Isyu 251 - Isa sa mga bagay na Ta’qib ng Salat na itinatagubilin na bigkasin ay ang Tasbih ng Hadrat Fatimah az-Zahra (a) na mga sumusunod: Çááĺ ĂßČŃ ) ) o (Allahu Akbar) 34 beses, pagkatapos (ÇáÍăĎ ááĺ ) o (Alhamdulillah) 33 beses, at susundan ng (ÓČÍÇä Çááĺ) o (Subhaanal-laahe) 33 beses.
Mubtilat ng Salat
Isyu 252 - Simula sa pagsasabi ng isang tao ng Takbiratul Ihram at pag-uumpisa ng kanyang Salat, hanggang sa pagtatapos ng Salat, maraming mga aksiyon ang magiging haram para sa kanya, at kung isa sa mga ito ay magawa niya habang nagdadasal, ang kanyang Salat ay mawalang bisa, halimbawa:
- Pagsasalita
- Pagtawa
- Pag-iyak
- Di pagharap sa Qiblah
- Pagkain at Pag-inom
- Pagsira sa Porma ng Salat
- Pagdagdag o Pagkuha ng anuman mula sa arkan ng Salat (ito ay naipaliwanag na sa alituntunin 194) (16)
Mga Alituntunin ng Mubtilat na Salat
*Pagsasalita
Isyu 253 - Kapag habang nagdadasal ay sinadya ng isang tao na magsalita kahit na isang letra lamang, at kung ito ay may kahulugan, ang Salat ay mawalang bisa.
Isyu 254 - Kapag dahil sa pagkalimot, ang isang taong nagdadasal ay nakapagsalita dahil hindi niya alam na nasa estado siya ng Salat, ang kanyang dasal ay magiging tama.
Isyu 255 - Ang pag-ubo at pagbahin ay hindi mawalang bisa ang Salat.
Isyu 256 - Sa oras ng Salat, hindi dapat batiin ng
sinuman ang ibang tao, pero kapag siya ay binati ng Salam habang nagdadasal,
wajib ang pagsagot nito, at ang sagot ay dapat na ibigay gaya din ng pagbigay
sa kanya ng Salam; halimbawa kung nagsabi na (ÓáÇă Úáíßă ) o (Salam Alaykum), ang
sagot ay dapat din na (ÓáÇă Úáíßă ) o (Salam
Alaykum).
*Pagtawa at Pag-iyak para sa mga
Makamundong bagay
Isyu 257 - Kapag sinadya ng isang taong nagdadasal na tumawa nang malakas, ang kanyang salat ay walang bisa.
Isyu 258 - Ang pagngiti habang nagdadasal ay hindi mawalang bisa ang salat.
*Pagbaling palayo sa Qiblah
Isyu 259 - Kapag ang isang taong nagdadasal ay bumaling ng kaunti palayo sa Qiblah sa paraang masasabi na siya ay hindi nakaharap dito, ang kanyang Salat ay magiging walang bisa.
Isyu 260 - Kapag dahil sa pagkalimot o ibang dahilan, ang isang tao ay bumaling palayo sa pagkakaharap sa Qiblah, pero (siya ay hindi masyadong bumaling), na ang kanyang kanan o kaliwang bahagi ng katawan ay nakaharap sa Qiblah, ang Salat ay tama. Pero kung siya ay bumaling na masyado kung saan ang kanyang kanan o kaliwang bahagi ng katawan ay nakaharap sa Qiblah at bago matapos ang oras ng Salat ay naalala niyang siya ay hindi nakaharap sa Qiblah, ang Salat ay dapat na ulitin, pero kung natapos na ang oras ng Salat, ang Salat ay hindi na kailangang ulitin pa.
Isyu 261 - Kapag ang mukha lamang ang naibaling palayo sa pagkakaharap sa Qiblah, at ang katawan ay nakaharap parin sa Qiblah, sa pangyayari na ang leeg ay napabaling at nakikita niya ang mga bagay o mga tao sa kanyang likuran, ang alituntunin ng pagbaling ng katawan ang magagamit kagaya ng naipaliwanag sa nakaraang isyu.
*Pagkain at Pag-inom
Isyu 262 - Kapag ang isang taong nagdadasal ay kumain o uminom sa paraan na masasabing siya ay hindi nagdadasal, ang kanyang Salat ay magiging walang bisa.
Isyu 263 - Kapag sinadya ng isang taong nagdadasal na kumain o uminom kahit na hindi nito nasira ang porma ng Salat, ayon sa Ihtiyat Wajib, ang kanyang Salat ay mawalang bisa; kahit na ang Muwalat ay naabala o hindi, ibig sabihin ito ay nagawa sa paraan na ang mga tao ay hindi sasabihing ang Salat ay nagawa nang tulo-tuloy o ang Muwalat ay nasira.
*Pag-iiba sa porma ng salat:
Isyu 264 - Kapag habang gumagawa ng salat ay nakagawa ang isang tao ng aksiyon na nagpabago sa porma ng Salat; halimbawa, pagpapalakpak o paglukso o kagaya ng mga bagay na ito, kahit na ito ay ginawa dahil sa pagkalimot, ang Salat ay mawawalang bisa.
Isyu 265 - Kapag habang nagdadasal, ang isang tao ay nananatiling tahimik sa paraan na masasabing ang tagal ng kanyang pagkatahimik ay masasabing siya ay hindi nagdadasal, ang kanyang Salat ay mawawalang bisa.
Isyu 266 - Ang pagputol o hindi pagtapos sa Salat nang walang mabuting dahilan ayon sa ihtiyat Wajib, ay haram; maliban sa mga pangyayaring hindi makayanan, kagaya ng mga sumusunod:
- Pagprotekta ng kanyang sarili
- Pagprotekta sa kanyang ari-arian
- Paghahadlang sa disgrasya ng ari-arian o sa sarili
Isyu 267 - Ang pagputol o hindi pagtapos sa Salat upang magbayad ng utang sa mga tao sa mga sumusunod na kondisyon ay hindi problema:
- Habang nasa Salat ang isang (tao) ay hindi nabayaran ang utang.
- Ang tao na nagbigay ng pautang ay humiling na ibalik ang kanyang pinautang.
- Ang oras ng Salat ay hindi maiksi, ibig sabihin, na kung ang utang ay babayaran ay may natitira pang oras para sa Salat.
Isyu 268 - Ang pagputol o hindi pagtapos sa Salat upang protektahan ang ari-arian na hindi mahalaga ay Makruh.
Isyu 269 - Ang mga sumusunod na mga bagay ay Makruh habang gumagawa ng Salat:
1. Pagpikit ng mga mata
2. Paglalaro sa mga daliri at kamay
3. Pananahimik habang binibigkas ang Surah al-Fatiha o ibang Surah o Dhikr, upang
makinig sa ibang mga pag-uusap.
4. Anumang aksiyon na nagpapawala sa atensyon o konsentrasyon.
5.Pagbaling ng mukha sa kanan o kaliwa ng kaunti (kung naibaling nang husto o malaki, ang Salat ay mawawalang bisa).
Translasyon ng Adhan at Iqamah
Translasyon ng Adhan sa wikang Pilipino
Arabic
Çááĺ ĂßČŃ-------------------Si
Allah ay Pinakadakila
ÇÔĺĎ Çä áÇ Çáĺ ÇáÇ Çááĺ Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos maliban
kay Allah
ĂÔĺĎ Çä ăÍăĎÇ ŃÓćá Çááĺ---Ako ay sumasaksi na
si Muhammad ang Sugo ng Allah
Íě Úáě ÇáŐáÇÉ------------Halina sa Salat!
Íě ÚĘě ÇáÝáÇÍ ------------Halina sa Kasaganaan!
Íě ÚĘě ÎíŃ ÇáÚăá --------Halina sa pinakamabuti ng mga gawa
Çááĺ ĂßČŃ
-------------------Si Allah ay Pinakadakila
áÇ Çáĺ ÇáÇ Çááĺ
--------------Walang ibang diyos maliban kay Allah
Translasyon ng Iqamah
Çááĺ ĂßČŃ -----------------------Si
Allah ay Pinakadakila
ĂÔĺĎ Ăä áÇ Çáĺ ÇáÇ Çááĺ-----------Ako ay
sumasaksi na walang ibang diyos maliban kay Allah
ĂÔĺĎ Çä ăÍăĎÇ ŃÓćá Çááĺ ------Ako ay sumasaksi
na si Muhammad ang
Sugo ng Allah
Íě Úáě ÇáŐáÇÉ
--------------Halina sa Salat!
Íě ÚĘě ÇáÝáÇÍ
---------------Halina sa kasaganaan!
Íě ÚĘě ÎíŃ ÇáÚăá ----------Halina
sa pinakamabuti ng mga gawa
ŢĎ ŢÇăĘ ÇáŐáÇÉ
--------------Ang Salat ay isinasagawa!
Çááĺ ĂßČŃ ---------------------Si
Allah ay Pinakadakila
áÇ Çáĺ ÇáÇ Çááĺ
-----------------Walang ibang diyos maliban kay Allah
Translasyon ng Salat
Takbiratul
Ihram
((Çááĺ ĂßČŃ))
Allahu Akbar
Si Allah ay Pinakadakila
Surah al-Fatiha
ČÓă Çááĺ
ÇáŃÍăä ÇáŃÍíă
ÇáÍăĎ ááĺ
ŃČ ÇáÚÇáăíä * ÇáŃÍăä ÇáŃÍíă * ăÇáß íćă ÇáĎíä * ÇíÇß äÚČĎ ć ÇíÇß äÓĘÚíä *
ÇĺĎäÇ
ÇáŐŃÇŘ ÇáăÓĘŢíă * ŐŃÇŘ ÇáĐíä ÇäÚăĘ Úáíĺă ŰíŃ ÇáăŰÖćČ Úáíĺă ć áÇ ÇáÖÇáíä.
Sa ngalan ng Allah* Ang Mapagbigay* Ang Pinakamahabagin
Lahat nang Pagpupugay ay para kay Allah*Master ng Sanglibutan
Ang Mapagbigay*Ang Pinakamahabagin*Panginoon sa Araw ng Paghuhukom*Ikaw Lamang ang aming Sasambahin, at sa Iyo Lamang kami
(Hihingi)*Ituon Mo po kami sa tamang landas, ang landas ng mga nakakakamit ng Iyong mga biyaya, at hindi ang landas ng mga nakakakamit ng Iyong poot, at yaong mga naliligaw ng landas.
Al-hamdu-li llahi Rabbil-aalemeen*Ar-Rahmaanir Raheem*
Maaliki Yawmid Deen*Iyyaaka na'budu wa Iyyaaka
nasta'een
Ihdinas siraatal mustaqeem
Siratal-ladhina an'amta 'alayhim, Ghayril maghdhuubi
'alayhim wa-ladh
dhaaleen
Surah Al-Ikhlas:
ČÓă Çááĺ
ÇáŃÍăä ÇáŃÍíă
Ţá ĺć Çááĺ
ĂÍĎ * Çááĺ ÇáŐăĎ * áă íáĎ ć áă íćáĎ* ć áă íßä áĺ ßÝćÇ ĂÍĎ .
Sa ngalan ng Allah, Ang Mapagbigay*Ang Pinakamahabagin
Sabihin: Siya si Allah, Ang ay nag-iisa.
Si Allah ang Dinudulugan sa sandali ng pangangailangan.
Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak.
At walang anumang katulad sa Kanya.
Surah al-Tawhid (translitirasyon)
Bismillah-ir
Rahmaanir Raheem
Qul
Huwa-laahu Ahad*Allahus Samad
Lam
yalid wa lam yoolad
Wa
lam yakun lahoo Kufuwan ahad
Dhikr sa Ruku
((ÓČÍÇä
ŃČě ÇáÚŮíă ćČÍăĎĺ))
(Subhaana Rabbiyal 'Azheem wa bihamdih)
Ang Pagpupugay at Pagpupuri sa aking Panginoon, ang Pinakadakila
Dhikr sa Sujud
((ÓČÍÇä ŃČě ÇáÇÚáě ć ČÍăĎĺ))
(Subhaana
Rabbiyal 'A'laa wa bihamdih)
(Ang Pagpupugay at Pagpupuri sa aking Panginoon, ang Pinakamataas)
Tasbihat al-Arbah
((ÓČÍÇä
Çááĺ ć ÇáÍăĎ ááĺ ć áÇ Çáĺ ÇáÇ Çááĺ ć
Çááĺ ĂßČŃ))
(Subhaanal-laahi wal-hamdu lil-laahi wa laa illaha illal-laahu wal-laahu
Akbar)
(Ang Pagpupugay ay kay Allah, at ang lahat ng Pagpupuri ay sa Kanya, walang ibang diyos maliban kay Allah, at si Allah ay Pinakadakila)
Tashahud at Salam
((ĂÔĺĎ Ăä áÇ áĺ ÇáÇ Çááĺ ć ÍĎĺ áÇ ÔŃíß áĺ ć ĂÔĺĎ Ăä
ăÍăĎÇ ÚČĎĺ ć ŃÓćáĺ Çááĺă Őáě Úáě ăÍăĎ ć Çá ăÍăĎ))
Translitirasyon ng Tashahud:
Alhamdu'lillah
Ashhadu an Laa Ilaaha
illal-laah, Wahdahu laa sharika lah
Wa ashhadu anna Muhammadan
'Abduhu wa Rasooluh.
Allahumma salli 'Alaa
Muhammadin wa 'Aale Muhammad
Ako
ay sumasaksi na walang ibang diyos maliban kay Allah, ang Nag-iisa na walang kasama,
At ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang alipin at ang kanyang Sugo.
O Allah! biyayaan Mo po si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad.
((ÇáÓáÇă Úáíß ĂíĺÇ ÇáäČě ć ŃÍăÉ Çááĺ ćČŃßÇĘĺ ÇáÓáÇă
ÚáíäÇ ć Úáě ÚČÇĎ Çááĺ ÇáŐÇáÍíä ÇáÓáÇă Úáíßă ć ŃÍăÉ Çááĺ ćČŃßÇĘĺ))
Translitirasyon ng Salam:
As-salaamu
'alayka ayuhan Nabiyyu wa Rahmatul-laahi wa barakaatuh.
As-salaamu
'alayna wa 'alaa 'Ibaadil-laahis Saaliheen.
As-salaamu
'alaykum wa rahmatul-laahi wa barakaatuh
Ang kapayapaan ay mapapasa iyo, O Propeta, at nawa ay kahabagan ka ni Allah at ang Kanyang biyaya ay mapapasaiyo, Ang kapayapaan ay mapapasa amin, at sa mga mabubuting mga alipin ni Allah, Ang kapayapaan ay mapapasainyo, at nawa ay kahabagan ka ni Allah at ang kanyang biyaya ay mapapasaiyo.
MGA PAGDUDUDA SA SALAT
Minsan, posible na ang isang taong gumagawa ng Salat ay magkakaroon ng mga pagdududa sa isang bahagi ng Salat; halimbawa, hindi niya alam kung nagawa na niya ang Tashahud o hindi pa, o hindi ba niya alam kung isa o dalawang Sajdah na ang kanyang nagawa, at minsan siya ay may duda rin sa bilang ng Rak’at na nagawa; halimbawa, hindi niya alam kung sa oras na iyon, siya ay nasa pangatlo o pang-apat na Rak’at na.
Para sa mga pagdududa sa Salat, may mga espesyal na mga alituntunin na kung saan ang kumpletong pagpapaliwanag ay hindi posible sa aklat na ito, pero ang maiksing paliwanag sa mga uri ng mga pagdududa, at ng kani-kanilang alituntunin ay sa mga sumusunod:
Isyu 270 - Kapag ang isang taong nagdadasal ay nagkakaroon ng pagdududa sa mga nagawang bahagi ng Salat; ibig sabihin, hindi niya alam kung ang isang bahagi ng Salat ay nagawa na o hindi pa, samakatuwid, kung ang bahagi pagkatapos ng pinagdudahan niyang bahagi ay hindi pa naumpisahan, ang ibig sabihin ang isa ay hindi pa nakapunta/ nakapasok doon sa ibang kalagayan ng Salat pagkatapos ang isa ay dapat niyang gawin ang bahagi (ang pinagdudahang nagawa na o hindi pa). Pero kung pagkatapos niyang umpisahan ang sumunod na bahagi na Salat ay saka pa lamang nasagi sa isip niya ang pagdududa,(sa nakaraang aksiyon); ibig sabihin ay nadaanan na niya ang (nakaraang aksiyon), hindi na niya dapat pang pansinin ang ganitong klase ng mga pagdududa at magpatuloy na sa Salat, at iyon salat ay magiging tama.
Isyu 271 - Kapag pagkatapos gawin ang isa sa mga bahagi ng Salat, ay pinagdudahan niya kung tama ito na bahagi, ibig sabihin ay hindi niya alam kung ang bahagi ng salat na katatapos lamang ay tamang nagawa o hindi, ang pagduda ay hindi dapat pansinin; ibig sabihin, ang natapos niya ay tama, at ang Salat ay ipagpapatuloy, at ang salat ay magiging tama.
Mga Duda na nakakapagpawalang-bisa sa Salat
Isyu 272 - Kapag sa Wajib na dalawa o tatlong Raka’t na Salat, kagaya ng Salatul Fajr o Salatul Maghrib ay may duda siya sa bilang ng Raka’t na nagawa, ang Salat ay nawawalang bisa.
Isyu 273 - Kapag siya ay may pagdududa sa unang Raka’t at mahigit pa sa unang Raka’t; halimbawa, sa gitna ng una at ikalawa o sa una at ikatlong Raka’t, ang Salat ay mawawalang bisa.
Isyu 274 - Kapag habang nasa Salat ay hindi alam ng isang tao kung ilang Raka’t na ang kanyang nagawa, ang Salat ay mawawalang bisa.
Mga Duda na Tama
Isyun 275 - Sa siyam na mga pangyayari, kung ang isang tao ay may pagdudua sa bilang ng Raka’t na nagawa na sa apat na Raka’t na Salat, hindi ito mawawalang bisa, mabuti pa, dapat siyang mag-isip, at kung siya ay nakapagdesiyon sa katiyakan ang naabot na sumasandal sa isang partikular na paraan, na kung magkagayon ay dapat niyang gawin ang anumang naging desisyon niya at tapusin na ang Salat gaya ng dati; at kung wala siyang maabot na desisyon ayon sa katiyakan at nananatiling na sa kalagayang pagndududa, dapat siyang umaksyon ayon sa mga alituntunin sa mga sumusunod, at ang Salat ay magiging tama.
Mula sa siyam na mga pangyayari,
apat dito ang laging nangyayari kaysa iba, at ipapaliwanag natin ang apat na
ito lamang sa ngayon. (
1. Kapag pagkatapos pumasok sa ikalawang Sajdah ay nagduda kung dalawa o tatlong Raka’t na ang nagawa niya, dapat niyang isipin na tatlong Raka’t na ang natapos niya at sa gayon ay magdsal ng isa pang Raka’t, at tapusin na ang Salat, at pagkatapos ng Salat, ayon sa Ihtiyat Wajib, magdasal ulit ng isang Raka’t ng Salatul Ihtiyat na nakatayo.
2. Kapag pagkatapos pumasok sa ikalawang Sajdah ay nagduda siya kung dalawa o apat na Raka’t na ang kanyang nagawa, dapat niyang isipin na apat na Raka’t na ang kanyang nagawa at tapusin na ang Salat, at pagkatapos ng Salat, dapat siyang tumayo at gumawa ng dalawang Raka’t ng Salatul Ihtiyat.
3. Kapag ang pagdududa ay nangyayari sa gitna ng ikatlo at ikaapat na Raka’t sa panahon ng alinmang bahagi ng Salat, dapat niyang isipin na apat na Raka’t na ang kanyang nagawa at tapusin na ang Salat, at pagkatapos ng Salat, gumawa ng isang Raka’t ng Salatul Ihtiyat na nakatayo o dalawang Raka’t na nakaupo.
4.
Kapag ang pagdududa ay nangyayari sa
gitna ng ikaapat at ikalimang Raka’t habang nakatayo, dapat siyang umupo kaagad,
gawin ang Tashahud at Salam (at tapusin ang Salat), at gumawa ng isang Raka’t
ng Salatul Ihtiyat na nakatayo o dalawang Raka’t na nakaupo.
Isyu 275 - Ang mga pagdududa na hindi dapat bigyang atensiyon:
- Sa Mustahab na Salat
- Sa Salatul Jama’at
- Pagkatapos ng Salam sa Salat
- Pagkalipas ng oras ng Salat
Isyu 276 –Kung sinuman na nagdududa sa Mustahab na Salat sa bilang ng Rak’at na nagawa, at kung ito ay malaking bahagi ay nagiging walang bisa; halimbawa, sa Nafilah ng Fajr ay may duda siyang isa o dalawang Rak’at, sa anumang paraan ay nakapagdesisiyon siya sa kanyang pagdududa, ang Salat ay magiging tama; pero ang pagdesisyon sa malaking bahagi ay nakakapagpawalang bisa sa Salat, kaya dapat siyang magdesisyon sa mas maliit na bilang; halimbawa ang duda ay nangyari sa gitna ng dalawa at tatlong mga Rak’at, dapat siyang umaksyon sa dalawang Rak’at.
Isyu 277 - Sa Salatul Jama’t, kung ang Imam ng Jama’at ay may duda sa bilang ng Raka’t na nagawa, pero ang Ma’moom (yong sumusunod sa Imam) ay walang anumang pagdududa, at mangyari ay maaari nilang sabihin sa Imam kung saang Rak’at na sila, pagkatapos hindi dapat bigyang atensyon ng Imam ng Jama’at ang kanyang naging pagdududa, at pareho din kung ang Ma’moom ay nagkakaroon ng mga pagdududa at ang Imam ng Jama’at ay walang anumang pagdududa, samakatwid, sa parehas na paraan ng pagsasabi ng Imam ng Jama’at ng kanyang Salat, sinuman ay maaari siyang sundin, at ang Salat ay magiging tama.
Isyu 278 - Kapag may duda ang isang tao kung ang kanyang Salat ay tama o hindi pagkatapos ng Salam ng Salat, halimbawa ay duda siya kung ang Ruku ay nagawa o hindi, o kung pagkatapos ng Salam ng apat na Rak’at na Salat ay nagduda siya kung apat o limang Rak’at ang kanyang ginawa, hindi niya dapat pansinin ang kanyang pagdududa; pero kung kumiling sa alinman paraan sa pagdududa; ang Salat ay magiging walang bisa; halimbawa, pagkatapos ng Salam ng apat na Rak’at na Salat ay nagduda siya kung tatlo o limang Rak’at ang kanyang ginawa, ang salat ay walang bisa.
Isyu 279 - Kapag pagkatapos lumipas ang oras ng Salat ay nagduda siya kung ang Salat ay nagawa o hindi, o may kaunti siyang duda na ang Salat ay hindi niya nagawa, hindi na kailangang gawin pa ang Salat (muli); pero kung ang kanyang pagdududa ay nangyari bago pa man makalipas ang oras (ng Salat), ang isa ay nagdududa kung ang Salat ay hindi nagawa, dapat niyang gawin ang Salat, manapa’y, kahit na kakaunti lamang ang kanyang pagdududa na nagawa ang Salat, ito din ay dapat gawin.
Isyu 280 - Kapag isa sa mga duda na nakakapagpawalang bisa sa Salat ay lumitaw, dapat niyang isiping mabuti (ang duda na iyon) ng kaunti, at sa pangyayaring walang napasok sa isipan at naroroon pa rin ang pagdududa, maaari niyang putulin ang Salat; pero mas mabuti na isipin muna niyang mabuti sa paraang hindi mapuputol ang porma ng Salat, o (isipin niyang mabuti sa paraang) upang hindi siya mawalan ng pag-asa sa paggawa ng katiyakan.
Salatul Ihtiyat
Isyu 281 - Sa pagkakataong ang Salatul Ihtiyat ay nagiging Wajib, halimbawa, ang pagdududa ay nangyayari sa gitna ng ikatlo o ikaapat na Raka’t, kung gayon, pagkatapos kaagad ng Salam, nang walang ginawang anuman na nakakaputol sa porma ng salat, o walang ginawang isa sa mga bagay na nakakapgpawalang bisa sa Salat, siya ay dapat tumayo, at nang walang Adhan o Iqamah kaagad gumawa ng Niyyat para sa Salatul Ihtiyat, bigkasin ang Takbiratul Ihram, at gawin na ang Salatul Ihtiyat.
Isyu 282 - Ang kaibahan ng Salatul Ihtiyat at ibang Salat:
- Ang Niyyat ay hindi dapat bigkasin ng dila.
- Walang pagbibigkas sa (ikalawang) Surah at walang Qunut (kahit na ang Salatul
Ihtiyat ay dalawang Raka’t).
- Ayon sa Ihtiyat Wajib, ang Surah al-Fatiha ay sasabihin nang tahimik.
Isyu 283 - Kapag isang Rak’at ng Salatul Ihtiyat at nagiging wajib, pagkatapos ng mga Sajdah, dapat bigkasin ang tashahud at salam; at kapag dalawang Rak’at ang nagiging Wajib, hindi dapat bigkasin ang Tashahud at Salam pagkatapos ng unang Rak’at, sa gayon, isa pang Rak’at ang dapat gawin (na walang Takbir para umpisahan ang ikalawang Rak’at), at sa huli ng ikalawang rak’at bigkasin na ang Tashahud at Salam.
Sajdah Sahw
Isyu 284 - Sa pangyayaring ang Sajdah Sahw ay nagiging wajib; halimbawa, ang pagdududa ay nangyayari sa gitna ng ikaapat at ikalimang Raka’t, sa gayong kaayusan ng pag-upo pagkatapos ng Salam ng Salat, dapat siyang deritsong gumawa ng Sajdah at pagkatapos bigkasin ang mga sumusunod:
(ČÓă Çááĺ ć ČÇááĺ ÇáÓáÇă Úáíß ÇíĺÇ ÇáäČí ć ŃÍăÉ Çááĺ ćČŃßÇĘĺ)
Pagkatapos umupo, bumalik ulit sa Sajdah at bigkasin ulit ang Dhikr sa itaas, umupo muli at pagkatapos bigkasin ang Tashahud at Salam.
Salatul Musafir
Isyu 285 - Kapag ang isang tao ay naglalakbay, dapat niyang kunan ang apat na Raka’t na Salat at ito ay magiging dalawang Raka’t (ibig sabihin Qasar), sa kondisyon na ang haba ng paglalakbay ay hindi kumulang ng walong farsakh, at isang farsakh, ayon sa Batas sa Islam, ay mas kakaunti kaysa 5 at kalahating kilometro.
Isyu 286 - Kapag ang isang taong naglalakbay ay nagdasal nang buo at umalis sa isang lugar gaya ng kanyang pook-tirahan (Watn), patungo sa ibang lugar at bumalik, at ang kabuuan na distansiya na kanyang nailakbay ay walong farsakh, ang kanyang Salat ay gagawin niyang Qasr; halimbawa kung apat na farsakh patungo at apat na farsakh pabalik, o kung patungo ay tatlong farsakh at pabalik ay limang farsakh.
Isyu 287 - Para sa isang taong naglalakbay mula sa kanyang pook-tirahan(watn), ang panahong dapat gawing Qasr ang salat ay mula sa katamtamang distansya na kanyang nailakbay na kung saan ay hindi na siya nakikita ng mga tao sa kanyang lugar at ang palatandaan nito ay hindi na niya nakikita ang mga tao sa kanyang lugar, at kung gusto niyang gawin ang Salat bago siya maglakbay sa ganitong distansiya, dapat niya itong gawin nang buo.
Isyu 288 - Kapag ang isang tao ay naglakbay mula sa isang lugar maliban sa kanyang pook-tirahan (watn), halimbawa, lumagi siya sa isang lugar nang sampung araw at sa mga panahong ito ay ginawang buo ang kanyang Salat, at kung aalis na siya sa lugar na ito, na sa ganoong paraan ay umalis siya mula sa kanyang pook-tirahan sa intensiyon ng paglalakbay, ang kanyang Salat ay magiging Qasr.
Isyu 289 - Kapag ang isang tao ay naglakbay sa isang lugar, at may dalawang daan papunta sa lugar na iyon at ang isang daan ay kaunti ng walong farsakh at ang isa ay walong farsakh o higit pa, kapag pinili ang daang na walong farsahk o higit pa, ang Salat ay dapat gawing Qasr, at kung ginamit niya ang daan na kaunti kaysa walong farsakh, ang Salat ay dapat gawing buo.Halimbawa, kung siya ay umalis mula sa kanyang pook-tirahan (watn) patungo sa lugar/nayon na may dalawang daan papunta rito, at ang unang daan ay apat na farsakh at ang isa ay tatlong farsakh, at kung siya ay dumaan sa unang daan at bumalik sa daan din na iyon, ang Salat sa panahon ng paglalakbay at sa lugar/nayon na iyon ay idadasal bilang Qasr. Pero kung siya ay pumunta gamit ang ikalawang daan at bumalik gamit ang ibang daan, o pumunta gamit ang ikalawang daan at bumalik gamit din ang daan na iyon, dahil ang buong paglalakbay ay mas kaunti kaysa walong farsakh, ang Salat sa paglalakbay na ito at sa lugar na iyon ay magiging buo.
Isyu 290 - Sa mga sumusunod na mga halimbawa ng paglalakbay, ang Salat ay gagawing buo:
1. Kung bago ang paglalakbay ng walong farsakh siya ay dumaan sa
kanyang Watn at tumigil dito, o siya ay tumira ng sampung araw sa isang lugar.
2. Sa simula ay wala siyang intensyon na maglakbay ng walong
Farsakh, at walang intensiyon magsimula ng paglalakbay, halimbawa kung siya ay may hinahanap na ibang tao na nawawala.
3. Habang naglalakbay, ginawa niya ang intensiyon na bumalik mula
sa paglalakbay, na kung saan bago pa man siya umabot sa punto na apat na farsakh, ay nagbago ang isip niya at nakapagdesisyon na magpatuloy.
4. Sinuman na kung saan ang kanyang trabaho o propesyon ay ang
Paglalakbay; halimbawa ang nagmamaneho ng tren, at mga nagmamaneho palabas sa lungsod/lugar gamit ang sasakyan, at mga piloto at mga mandaragat.
5. Sinuman na kung saan ang kanyang trabaho ay nasa ibang lugar at
Isang beses sa isang araw o tuwing dalawang araw siya ay naglalakbay sa lugar na iyon at bumalik; halimbawa, mga estudyante na nag-aaral sa ibang lugar at bumabalik (sa kanilang lungsod).
6. Sinuman na naglalakbay para sa haram na mga layunin; halimbawa, Ang paglalakbay ng isang tao upang gumawa ng haram.
Isyu 291 - Sa mga sumusonod na lugar, ang Salat ay gagawing buo:
- Sa kanyang pook-tirahan (watn)
- Sa lugar na kung saan siya ay namalagi ng sampung araw, o alam na mapipilitan
siyang mamalagi doon ng sampung araw.
- Sa lugar na kung saan siya ay namamalagi ng 30 araw lugar, sa kalagayan ng pag-aalinlangan; ibig sabihin, hindi siya sigurado na siya ay lalagi o aalis, at siya ay namalagi dito ng 30 araw, at hindi pumupunta ng ibang lugar, sa ganitong kalagayan, pagkatapos ng 30 araw dapat niyang gawing buo ang kanyang Salat.
Saan ang
pook-tirahan (watn) ng Isang Tao?
Isyu 292 - Ang Watn ay ang lugar na kung saan nakatira ang isang tao na ayon sa kanyang kagustuhan; minsan ang lugar na iyon ay ang lugar kung saan siya isinilang , at (minsan) ito ay Watn ng kanyang ama at ina, at (minsan) siya mismo ang pumili upang tumira rito.
Isyu 293 - Sinuman na may intensiyon na mamalagi sa isang lugar ng kaunting panahon na kung saan ito ay hindi niya tunay na Watn, at pagkatapos ay pumunta siya sa ibang lugar, ang lugar na iyon ay hindi mabibilang na kanyang Watn.
Isyu 294 - Sinuman na pumunta sa isang lugar na dati ay kanyang Watn, pero iniwanan na niya ito ; ibig sabihin ay nakapagdesisyon siya na hindi na siya babalik dito upang tumira, dapat niyang gawin ng buo ang kanyang Salat, kahit na hindi pa siya nakapili ng lugar na magiging Wan niya.
Isyu 295 - Ang isang naglalakbay na nasa daan pabalik sa kanyang Watn, hanggat hindi pa siya nakakapasok sa kanyang Watn, ay dapat gawin ang kanyang Salat na Qasr; at ganoon din para sa naglalakbay na gustong tumigil sa isang lugar nang sampung araw, hanggat hindi pa niya narating ang lugar na iyon, dapat niyang gawing Qasr ang kanyang salat.
Ang Intensiyon ng
Sampung Araw
Isyu 296 - Ang isang taong naglalakbay na kung saan siya nay gumawa ng intensyon na tumira sa isang lugar nang sampung araw, kapag siya ay tumira mahigit sa sampung araw sa lugar na ito, at hanggat hindi pa nakakalakbay mula sa lugar na ito, ang kanyang Salat ay gagawing buo, at hindi na kailangan na gumawa pa siya ng intensiyon na titira siya ng iba pang sampung araw.
Isyu 297 - Kapag ang isang naglalakbay ay gumawa ng intensiyon na titira sa isang lugar nang sampung araw at iniwan ang ideyang ito, o naging alanganin na titira siya sa lugar na iyon o kung siya ay pupunta sa ibang lugar, samakatuwid:
1. Kapag bago nagdasal ng apat na Raka’t na Salat, ay bumalik siya sa
kanyang intensiyon o hindi pa buo ang kanyang desisyon, dapat niyang gawing Qasr ang kanyang Salat (dalawang rak’at).
2. Kapag matapos gawin ang kanyang apat na Raka’t na Salat, siya ay
bumalik sa kanyang intensiyon o hindi pa buo ang kanyang desisyon, sa oras na siya ay nasa lugar na iyon, dapat siyang magdasal nang buo.
SALATUL QADA
Ang Salat na ginagawa pagkatapos lumipas ang oras nito ay tinatawag na Salatul Qada.
Isyu 298 - Ang isang tao ay dapat na magdasal ng Wajib na Salat sa tamang oras nito,at sa pangyayari na walang matibay na dahilan at ginawa ang Salat na Qada, ang isang tao ay nakagawa ng kasalanan, at dapat na magsisi kay Allah at gawin ang Qada ng Salat na iyon.
Isyu 299 - Sa dalawang mga pangyayari, ang paggawa ng Qada ng Salat ay Wajib:
1. Ang Wajib Salat ay hindi nagawa sa tamang oras nito.
2. Pagkatapos lumipas ang oras ng Salat ay nalaman ng isang tao
na ang Salat na nagawa ay walang bisa.
Isyu 300 - Ang isang taong may Salat na Qada na gagawin ay hindi ito dapat na ipagwalang bahala lang, pero hindi Wajib na ito ay gagawin kaagad.
Isyu 301 - Hindi na kailangan na ang Qada na Salat sa araw na iyon ay gagawin sa pagkakasunod-sunod nito, maliban sa Salat na sa oras na iyon (itinatagubilin) ay gagawin ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Halimbawa, kung ang Salatul Zuhr at Asr sa araw na iyon ay nagiging Qada, ito ay dapat na gawin sa tamang pagkakasunod-sunod nito, ibig sabihin ay Salatul Zuhr muna at pagkatapos ay ang Salatul‘Asr.
Isyu 302 - Kapag alam ng isang tao na may Salat na Qada siyang gagawin, pero hindi niya alam ang dami nito; halimbawa, di niya alam kung siya ay may apat o limang Qada na gagawin, sapat na siya ay gagawa nito sa kaunting dami.
Isyu 303 - Kapag alam ng isang tao ang dami ng kanyang Salat na Qada na gagawin, pero nakalimutan ang eksaktong dami nito, kahit na magdasal siya sa mas maliit na dami ay tama na ito.
Isyu 304 - Sinuman ay maaaring magdasal ng Salat na Qada sa Jama’at, kahit na ang Salat ng Imam ng Jama’at ay ada o qada, at hindi na kailangan na siya ay magdasal ng kaparehong Salat na Imam ng Jama’at; halimbawa, kung siya ay may Qada para sa Salatul Fajr, hindi problema kung ito ay dadasalin kasama ang Zuhr o ‘Asr ng Imam ng Jama’t.
Isyu 305 - Kapag ang isang taong naglalakbay na dapat magdasal ng kanyang Salat sa Qasr, at ginawa ang kanyang Salat na Zuhr o ‘Asr o Isha na Qada, dapat niyang gawin ang Qada sa pagdadasal ng dalawang Raka’t, kahit gusto niyang gawin ang mga ito habang siya ay hindi naglalakbay.
Isyu 306 – Kapag gustong gawin ng isang taong naglalakbay ang mga Salat na di niya nagawang Qada habang nasa paglalakbay, ang Salat na Zuhr o Asr o Isha ay dapat dasalin nang apat na rak’at (buo).
Isyu 307 - Ang Salatul qada ay maaaring gawin sa anumang oras, ibig sabihin, maaari niyang dasalin ang qada na Salatul Fajr sa hapon o gabi.
Ang Qada na Salat ng Ama
Isyu 308 - Habang ang isang tao ay nabubuhay, walang ibang gagawa ng kanyang salat para sa kanya, kahit pa kung hindi niya ito kayang gawin.
Isyu 309 - Kapag namatay ang isang ama, ang mga Salat at pag-aayuno na hindi niya nagawa ng Ama, kahit na ang mga ito ay kaya niyang gawin na Qada, pero dahil sa paglabag (sa mga Batas ni Allah) ay hindi niya ito nagawa, ayon sa Ihtiyat Wajib, ito ay magiging Wajib para sa kanyang panganay na anak na lalaki na gawin ito.
SALATUL
JAMA’AT
Isa sa mga bagay na binibigyan ng Islam ng napakaraming importansiya ay ang pagkakaisa ng bansang Islam, at upang mapanatiling mapangalagaan at maipagpapatuloy ang pagkakaisang ito, may espesyal na programa na inihain; at isa sa mga espesyalidad ng programang ito ay ang Salatul Jama’at.
Sa Salatul Jama’at, ang isang tao na may hawak na kakayahan ay tatayo sa harap ng kapulungan, at ang mga tao ay hahanay sa organisadong paraan sa kanyang likuran, at lahat ay sabay na gagawa ng Salat.
Ang isang tao na nakatayo sa harap ng Jama’at upang gabayan ang iba sa Salat ay tinatawag na Imam ng Jama’at, at ang mga tao sa kanyang likuran na sumusunod sa kanya sa Salat ay tinatawag na Ma’moom.
Ang Kahalagahan ng Salatul Jama’at
Ang mga patuloy na sinasabi sa Hadith tungkol sa Salatul Jama’at ay ang hawak nitong malaking gantimpala mula kay Allah (SWT). Tayo ngayon ay pupunta sa mga alituntunin nitong napakahalagang aksiyon ng pagsamba, at alamin ang iba pang mga mabubuting punto nito.
Isyu 310 - Ang pagsali sa Salatul Jama’at ay Mustahab para sa lahat nang mga Muslim, lalo na sa mga nakatira malapit sa isang Masjid.
Isyu 311 - Mustahab na ang isang tao ay may pasensiya at pagtitiis upang gawin ang kanyang salat sa Jama’at.
Isyu 312 - Kahit na ang Salatul Jama’at ay hindi nagawa sa eksaktong oras ng pagsapit nito, mas mainam pa ito kaysa paggawa ng Salat na nag-iisa (furada)(17) sa maagang oras nito.
Isyu 313 - Ang Salat ng Jama’at na ginawa ng mabilis at maiksi ay mas mainam pa kaysa salat na furada na ginawang may kabagalan.
Isyu 314 - Hindi tama na ang isang tao ay di gagawa ng Salatul Jama’at nang walang mabuting dahilan.
Isyu 315 - Hindi maaaring sumali sa Salatul Jama’at kapag iniisip ito ng isang tao na isang simpleng bagay lang (hindi ito inisip na mahalaga).
Mga Kondisyon Para sa Salatul Jama’at
Isyu 316 - Sa paggawa ng salatul Jama’at, ang mga sumusunod na kondisyon ay dapat bantayan:
1. Ang Ma’moom ay hindi dapat nasa harap ng Imam, at kung may mahigit na isang Ma’moom, ayon sa Ihtiyat wajib, ay dapat silang tumayo sa likod kaunti ng Imam.
2. Ang lugar na pinagtatayuan ng Imam ay hindi dapat na mas mataas kaysa pinagtatayuan ng mga Ma’moom.
3. Ang distansiya sa pagitan ng Imam at ng ma’moom, at ang puwang sa pagitan ng mga linya ay hindi dapat na masyadong malaki o malayo, at ayon sa Ihtiyat Wajib, Ang lugar ng Sajdah para sa Ma’moom at ang lugar kung saan nakatayo ang Imam ay hindi dapat mahigit sa isang talampakan.
4. Ang pagitan ng Imam at ng Ma’moom, at sa pagitan din ng mga linya, ay
walang dapat na anumang bagay na nakahadlang – kagaya ng dingding o kurtina o kahit salamin na nagsisilbing tagahiwalay – pero kung ang kurtina o mga bagay na katulad nito ay ginagamit para ihiwalay ang mga lalaki sa mga babae ay hindi ito problema.
Isyu 317 - Ang Imam ng Jama’at ay dapat na Baligh, at Adil, at dapat ay marunong gumawa ng Salat sa tamang paraan.
Pagsali sa Salatul Jama’at
Isyu 318 - Sa bawat Raka’t, ang isang tao ay maaaring sumali sa Imam sa gitna ng Qira’at (habang nakatayo) at Ruku, kaya, kung hindi niya naabutan ang Imam sa ruku, dapat siyang maghintay hanggang sa susunod na Raka’t upang makasali, at kung naabutan niya ang Imam sa ruku, ito ay mabibilang na isang raka’t ang nagawa.
Isyu 319 - Mga iba’t-ibang mga pangyayari na kung saan maaaring sumali sa Salatul Jama’at:
*Unang Raka’t
1. Habang nasa Qira’at: Ang Ma’moom ay hindi dapat bigkasin ang
surah al-Fatiha at ang ikalawang Surah, at ang ibang mga aksyon ay gagawin kasabay ng Imam.
2. Sa Ruku: Ang Ruku at ang ibang mga aksiyon ay ginagawa kasabay
ang Imam.
*Ikalawang Raka’t
1. Habang nasa Qira’at: Hindi dapat bigkasin ng Ma’moom ang
Surah al-fatiha at ang ikalawang Surah, pero susunod sa Imam sa Qunut at ruku at sajdah. Kapag binibigkas ng Imam ang Tashahud, ayon sa Ihtiyat Wajib, ay dapat umupo ng bahagya (18), at kung ang Salat na ito ay dalawang Raka’t na salat, dapat ay gumawa ng isa pang Raka’t sa kanyang sarili at tapusin na ang salat. Pero kung ang Salat ay tatlo o apat na Raka’t, kung sa ganoon ikalawang Rak’at na siyang pangatlong Rak’at ng Imam, ang Surah al-Fatiha at ang ikalawang Surah ay dapat na bigkasin niya (kahit na ang Imam ay gumagawa ng Tasbihat), at kapag natapos ng Imam ng Jama’at ang kanyang ikatlong Raka’t at tumayo para sa kanyang pang-apat na Raka’t, ang ma’moom pagkatapos ng dalawang Sajdah ay dapat bigkasin ang Tashahud, at tumayo na para sa kanyang ikatlong Raka’t, at sa huling Raka’t ng Salat, kung ang Imam ng Jama’at ay gumawa ng Tashahud at Salam para tapusin ang salat, ang Ma’moom ay dapat na tumayo at gumawa ng isa pang Raka’t.
2. Sa Ruku: Ang Ruku at iba pang mga aksiyon ay ginagawa kasabay
ang Imam ng Jama’at kagaya ng naipaliwanag.
*Ikatlong Raka’t
1. Habang nasa Qira’at: Sa pangyayaring alam ng isang tao na kung siya ay sasali sa Jama’at, ay may oras para sa pagbabasa ng Surah al-Fatiha at isa pang Surah, o kahit oras sa pagbabasa ng Surah al-Fatiha lamang, kaya siya ay maaaring sumali sa Jama’at, at dapat niyang basahin ang Surah al-Fatiha at ang kalawang Surah, o ang Surah al-Fatiha lamang. Mangyari, kung alam niyang wala siyang kakayahang magbasa ng mga Surah, sa ganoon ayon sa Ihtiyat Wajib, dapat siyang maghintay hanggang sa gumawa ng ruku ang Imam, at sumali na sa Salat.
2. Sa Ruku: Sa pangyayaring gusto ng isang tao na sumali habang nasa ruku, ang ruku ay dapat gawin kasabay ng Imam, at ang pagbibigkas ng al-Fatiha at ang ikalawang Surah ay iwanan na, at ang natitirang mga bahagi ng Salat ay gawin na, kagaya ng naipaliwanag.
*Ikaapat na Raka’t
1. Habang nasa Qira’at: Ang pagsali sa ikaapat na raka’t ay may kaparehong alituntunin sa ikatlong raka’t, at sa oras na ang Imam ng Jama’at ay nakaupo para sa kanyang huling raka’t at naghahanda para bigkasin ang Tashahhud at salam, ang ma’moom ay maaaring tumayo at ipagpatuloy ang salat sa kanyang sarili, o maaari siyang umupo nang bahagya (sa naipaliwanag na) at maghintay hanggang ang tashahud at Salam ng Imam ng Jama’at ay matapos, at pagkatapos tumayo (at ipagpatuloy ang kanyang Salat).
2. Sa Ruku: Ang Ruku at mga Sajdah ay ginagawa kasabay ng Imam (sa puntong ito ang ikaapat na raka’t ng Imam ay magiging unang raka’t ng Ma’moom), at ang natitirang mga bahagi ng Salat ay gagawin, kagaya ng naipaliwanag na.
Ang Mga Alituntunin ng Salatul Jama’at
Isyu 320 - Kapag ang Imam ng Jama’at ay gumagawa ng isa sa mga pang-araw-araw na salat, ang isang tao ay maaaring sumunod sa Imam sa alinman sa pang-araw-araw na Salat; kaya kung ang Imam ay gumagawa ng Salatul ‘Asr, ang Ma’moom ay maaaring gumawa ng kanyang Salatul Zuhr, at kapag natapos ng Ma’moom naisasagawa ang kanyang Salatul Zuhr at ang Salatul Jama’at (ibig sabihin Salatul Zuhr) ay ginagawa naman, maaari siyang gumawa ng Salatul ‘Asr kasabay ng Salatul Zuhr ng Imam ng Jama’at.
Isyu 321 - Ang isang Ma’moom ay
maaaring gumawa ng kanyang sariling Salatul Qada kasabay ng Salatul
Isyu 322 - Ang Salatul Jama’at ay maaaring itatag ng may pinakamababa na dalawang tao, isa ang magiging Imam at ang isa ay ang Ma’moom, maliban sa mga kaso ng Salatul Jumu’ah at Salatul Eid Fitr at Eid Qurban.
Isyu 323 - Ayon sa Ihtiyat Wajib, ang Mustahab Salat ay hindi maaaring gawin sa Jama’at, maliban sa